INANUNSYO ni F2 Logistics spiker Kalei Mau kahapon na hindi siya makakadalo sa tryouts para sa national volleyball team, naka iskedyul simula ngayon Miyerkules hanggang sa Biyernes sa bubble sa Subic.
Si Mau ay nasa United States simula noong isang taon, umalis matapos makansela ang Philippine Superliga (PSL) Grand Prix dahil sa COVID-19 pandemic.
Isa siya sa 40 players na imbitado ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) na mag tryout para sa women’s national team. Ang hard-hitting Mau ay hindi nakasama sa Pilipinas sa 2019 Southeast Asian Games dahil sa eligibility issues.
To all my Filipino supporters, Salamat sa lahat for your constant love and support. I want you to hear it from me first that I will be playing abroad for a 2.5 month season. I plan to return to PH after this quick stint to compete in the PVL with my team @F2CargoMovers.
Si Mau ay nanatiling nakatuon na maglaro sa Cargo Movers sa parating na season ng Premier Volleyball League (PVL) Ang F2 Logistics ay isa sa maraming PSL squads na tumalon sa PVL nakaraang buwan.
Subalit, si Mau ay unang sasabak sa iba’t-ibang liga sa overseas.
“I want you to hear it from me that I will be playing abroad for a two and a half month season,” sambit ni Mau. “I plan to return to the Philippines after this quick stint to compete in the PVL with my team.
Kahapon ng umaga, inanunsyo ni Changas de Naranjito na si Mau ay maglalaro sa kanila bilang import sa Puerto Rico’s Liga de Voleibol Superior Femenino.
The post F2’s Kalei Mau hindi dadalo sa national team tryouts appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: