Facebook

COVID-PROOF BA ANG MGA SALOT NG LIPUNAN?

SA araw-araw na bumabanderang balita sa numero ng mga nagpopositibo sa Covid-19, dapat lang na ipaliwanag sa madla ng kinauukulan kung saan talaga galing ang mga istadistika ng ipinalabas nila na nakakaalarmang bilang.

Magmula kasi nang pinaputok ang pesteng mikrobyong nagpahirap sa buhay ng tao dahil sa takot na itinimo ng anila ay mga eksperto, wala nang naibabalitang mga nasawi sa ibang sakit na mas deadly tulad ng kanser, TB, sakit sa puso, bato, atay at iba pang nakakahawang sakit tulad ng AIDS etc. Lahat na yata ay Covid ang dahilan na tunay na nakapanlilinlang sa mga nilalang habang mayroong mga nakikinabang sa gawa-gawa nilang krisis.

Ang matindi, baka pati mga napilayan, nabaril o naaksidente ay tinala na ring COVID ng mga pesteng negosyante ng corona.

Ang mulat na katanungan, bakit lahat ng nasasawi sa covid kuno noong una pa ay mga matatandang mayayaman, mga may kakayahang magbayad sa ospital, mga mayroon na talagang karamdaman mga sobrang malinis ang lifestyle na pag natunghayan sa balita ay sobrang deadly ang mikrobyo pero mabibilang lang sa daliri ang porsyento ng mga yumayao.

Itinimo nila sa tao ang takot, ikinulong sa bahay, tinanggalan ng hanapbuhay, inalisan ng aliwan, nawalan ng kalayaang huminga ng natural, ipinaglayo ang mga isa’t-isa,sinikil ang emosyon, pinandirihan ang nilalang ng Panginoon ayon sa kanyang hitsura dahil sa kabalbalang pandemya na pinaputok ng mga KRUK sa ‘da who’ na nagkalat sa mga nasyon ng mundo.

Tunay nang matalino ang tao pero bakit sila nabobo ngayon sa kagagawan ng demonyo?Kung deadly at malakas makahawa ang mikrobyo, bakit di siya kumakapit sa taong grasa, basurero, taga-iskwater, batang hamog, musmos sa kalye at iba pang bagamundo sa mundo? Covid-proof ba sila?

Bakit iyong mga preso na sardinas sa pagkadikit-dikit bawat selda ay walang salitang pandemya sa kanina? Pigsa lang ang kinatatakutan nila baka gawin pang COVID.

Marami nang naitalang positibong mga frontliners pa daw at mga tao sa gobyerno ang naitala,di lang minsan kundi dalawang beses pa tinatamaan daw ng mikrobyong delubyo.

Covid-free ba ang mga salot ng lipunan tulad ng oposisiyon, rebelde, pulahan, terrorista, raliyista, pantriyista, komunista, biased media, mga traydor at lahat ng kalaban ng pamahalaan, kahit isa walang nag positibo sa kanila? dahil puro negatibo ba sila? Opinyon lamang ito ng inyong kakorner at kayo na ang tumimbang ng totoo vs kabalitunaan.Para sa reaksyon… #09199845253

The post COVID-PROOF BA ANG MGA SALOT NG LIPUNAN? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
COVID-PROOF BA ANG MGA SALOT NG LIPUNAN? COVID-PROOF BA ANG MGA SALOT NG LIPUNAN? Reviewed by misfitgympal on Abril 27, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.