Facebook

P68m shabu nasamsam sa Cavite, tulak timbog

TINATAYANG nasa P68 milyon ang halaga ng shabu na nasamsam sa buy-bust operation sa Moab Street, Town at Country Homes Subdivision, Dasmariñas City, Cavite nitong Lunes.
Kinilala ni PNP Chief, Gen Debold Sinas, ang naaresto na si Michael Lucas alias “Boy Muslim”, 35 anyos, ng Moab St., Town and Country Homes Subd.
Ayon kay Sinas, isinagawa ang buy bust operation ng pinagsanib na elemento PNP-DEG SOU, PDEA 4A, Cavite Police Provincial Office at Bureau of Custom sa naturang subdibisyon.
Ipinahayag ni PNP-DEG Dir. , Gen. Remus Medina, na nakuha kay Lucas ang 10 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P68 million, 3 digital weighing scale at mga ID.
Sa report ng PNP, miyembro si Lucas ng isang drug syndicate na sangkot sa mga transaksyon na may kaugnayan sa iligal na droga sa Region 3, NCR at Mindanao.
Ayon pa kay Medina, galing ang droga sa isang Chinese national na nakakulong sa Muntinlipa at idini-deliver kay Lucas ng sindikato.
(Gaynor Bonilla)

The post P68m shabu nasamsam sa Cavite, tulak timbog appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
P68m shabu nasamsam sa Cavite, tulak timbog P68m shabu nasamsam sa Cavite, tulak timbog Reviewed by misfitgympal on Abril 27, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.