The effects of climate change are real and must be acted on. — US President Joe Biden
NAGPAHAYAG ng alarma ang Santo Papa ukol sa kinabukasan ng ating mundo sa muling paghayag ng kanyang panawagan simula pa lang ng kanyang panunungkulan bilang pastol at tagapamahala ng Simbahang Katoliko noong 2013.
Idiniin niyang ang mundo’y nasa “bingit” na ng kapahamakan at kinakailangang resolbahin na ng sangkatauhan ang problemang bumabagabag sa atin—ang pagkasira ng nag-iisa nating tahanan, ang ating planeta.
Sa nakalipas na panahon, aniya, napagtanto na natin na kailangan nating pangalagaan ang kalikasan, kung sana nga lang ay dahil sa ang ating pag-uugali at interaction sa biodiversity ay mahalagang pag-ingatan at respetuhin.
At sa dalawang araw na pagpupulong na pinangunahan ni United States president Joseph Robinette Biden, nangako ang Estados Unidos na babawasan ang
greenhouse gas emissions ng 52 porsyento mula sa sa antas noong 2005 levels sa pagsapit ng taong 2030. Ito ay layuning doble pa sa dating itinakda ng Washington.
Subalit kumbinsido si Pope Francis na isang wake-up call ang kasalukuyang pandemya ng coronavirus at ito ay gumising sa pagpapahalaga sa pangangalaga n gating planeta.
Tinukoy niya ang dalawang global disaster, ang Covid-19 at ang global warming na nagpakita sa atin na wala na tayong panahon para maghintay.
Hindi na tayo makakaligtas sa krisis sa madaling pamamaraan. Ang kalbaryong nararanasan sa pandemya, aat ang umiiral na climate change sa buong daigdig, ay kinakailangang humimok sa atin na isulong ang innovation, invention at paghahanap ng makabagong pamamaraan para sa proteksyon ng ating mundo. Hindi nga talaga tayo makakaligtas sa simpleng paraan dahil ang magiging resulta ay maaaring makasagip sa atin o dili kaya’y magbunsod ng kalamidad na magwawakas sa tao.
Nagbabala siya na “kung hindi makakaligtas ang mga tao, lalakbayin natin ang daan patungo sa kapahamakan.
Hiniling din ng Santo Papa “sa lahat ng mga pinuno sa mundo na kumilos ng may paninindiagan at tapang.”
Ang ating pangunahin layunin ay matiyak na ang ating kapaligiran ay maging malinis at may sapat na proteksyon. Ito’y nangangahulugan din ng wastong pangangalaga sa ating kalikasan.
Sa simula pa lang ng pandemya, partikular na naging aktibo si Papa Francis sa paghanap ng solusyon sa krisis at nakipagpulong na siya sa Covid-19 commission ng Batikano para makapagtatag ng limang working group na mag-uugnay sa mga eksperto mula sa iba’t ibang panig ng daigdig para tugunan at lutasin ang problema ng climate change.
Ang tanong nga lang ay may panahon pa ba tayo para gawin ito?
* * *
PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!
The post Panahon para kumilos appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: