Facebook

Full vaccinated sa Maynila, umabot na sa mahigit 14K — Isko

UMABOT na sa kabuuang 14, 112 indibidwal ang fully vaccinated sa Maynila mula pa noong April 28, ibig sabihin ay nakatanggap na sila ng una at ikalawang bakuna kontra COVID-19.

Ito ang inanunsyo ni Mayor Isko Moreno, kasabay ng panawagan na kumpletuhin ang dalawang dosis at huwag umasta na akala mo ay may immunity na coronavirus disease at sa halip ay patuloy na sumunod sa minimum health protocols katulad din ng kanilang ginagawa bago pa makatanggap ng unang dosis ng bakuna.

Ipinagmamalaki ni Moreno ang bilis at kagalingan ng vaccination program ng kabisera ng bansa kung saan mismong ang Vice Mayor na si Honey Lacuna ang punong tagapagpatupad kasama ang Manila Health Department sa ilalim ni Dr. Poks Pangan. Binanggit pa ng alkalde na personal ding nagsagawa ng ‘home service’ na pagbabakuna si Lacuna para sa mga bedridden at physically-challenged dahil wala itong kakayahan na magpunta sa mga vaccination sites.

Nanawagan ang alkalde sa may 400 na indibidwal na nabigong tumanggap ng kanilang ikalawang bakuna na maglaan ng oras para mabakunahan na.

Sa kabuuang bilang na 14,112 na fully vaccinated, 4,186 dito ay medical o health frontliners mula private at national government hospitals sa Maynila, habang 9,926 ay mula sa MHD.

Inanunsyo din ng alkalde na ipagpapatuloy ni Vice Mayor Lacuna ang pagbabakuna sa mga residente ng bedridden at physically-challenged ngayong araw, April 30 sa pamamagitan ng personal na pagbisita sa kanikanilang tahanan.

“Paalala lang, kailangan ay mag-ingat pa din. Magsuot pa din ng facemask. Hindi garantiya na di na kayo mahahawa. Ito ay makatutulong lamang sakaling mahawa kayo, para labanan ng inyong katawan ang impeksyon at ‘wag na mapunta sa severe o kritikal na kalagayan,” paliwanag ng alkalde.

Ayon kay Moreno, hindi tulad ng dati, may mga naiuulat na ngayon na mga nasasawi sa COVID-19 sa lungsod araw-araw at para sa Moreni ang isang kamatayan ay marami pa rin na maituturing.

“Kahit isa na lang ang nasa ospital or sa quarantine facility, meron pa ding dapat ipangamba. Hanggat me impeksyon ng COVID,” giit ng alkalde.

Samantala ay umapela si Moreno ss lahat ng residente ng lungsod na isama sa kanilang panalangin ang bansang India dahil sa kasalukuyang nagaganap na surge ng COVID cases dito kung saan ang mga pasyente ay sa sahig at kung minsan ay sa bangketa na nakahiga dahil sa mahigit na 300,000 cases na naitatala kada araw.

“Pag iisipin, malayo sa atin pero di ‘yun ang point. Anuman ang kulay o lahi, mahalaga ang buhay ng tao. India is one of biggest manufacturers of COVID vaccines kaya tiyak na maaapektuhan tayo sa mga darating na bakuna sa bansa. Iadya nawa tayo ng Diyos na ‘wag mangyari sa atin ‘yun. Ipanalangin nating makaahon sila sa nangyayaring surge,” sabi pa ni Moreno. (ANDI GARCIA)

The post Full vaccinated sa Maynila, umabot na sa mahigit 14K — Isko appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Full vaccinated sa Maynila, umabot na sa mahigit 14K — Isko Full vaccinated sa Maynila, umabot na sa mahigit 14K — Isko Reviewed by misfitgympal on Abril 28, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.