Facebook

agdating ng 15K doses ng Sputnik V naudlot — Malakanyang

KINUMPIRMA ng Malakanyang ang pagkaudlot ng pagdating sa bansa ng 15,000 doses ng mga Sputnik V vaccines galing sa Russia.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na hindi matutuloy ang nakatakda sanang pagdating ng mga bakuna mula Russia nitong gabi ng Miyerkules, Abril 28.

Dahil dito, ani Roque, agad namang gumawa ng hakbang si vaccine czar Carlito Galvez Jr. para gawan ng paraan ang mabilis na pagdating ng mga bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buwan ng Mayo.

Nilinaw ni Roque na ang dahilan ng pagkaantala nito ay dahil sa walang direct flight mula Russia papuntang Pilipinas.

Matatandaan na ang naturang bakunang mula Russia ay kinakailangang mailagak sa storage facility na may required temperature na -20°C. (Josephine Patricio)

The post agdating ng 15K doses ng Sputnik V naudlot — Malakanyang appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
agdating ng 15K doses ng Sputnik V naudlot — Malakanyang agdating ng 15K doses ng Sputnik V naudlot — Malakanyang Reviewed by misfitgympal on Abril 28, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.