Facebook

5 NPA patay sa engkwentro sa Bohol

PATAY ang limang rebeldeng New People’s Army (NPA) nang makasagupa ang militar sa Bohol, Martes ng umaga.
Ayon kay Lt. Grace Remonde ng 47th Infantry Batallon, 5:30 ng umaga nang maganap ang sagupaan sa Sitio Langob, Barangay Cabacnitan, Bilar, Bohol.
Sa report, nagpapatrolya ang militar sa lugar nang makasalubong ang nasa 11 kasapi ng NPA at nagkaputukan na tumagal ng ilang minuto kungsaan nasawi ang 5 NPA, habang sugatan ang isang sundalo.
Mabilis na tumakas ang ilang rebelde nang makitang humandusay ang kanilang mga kasama. Iniwan nila ang mga bangkay.
Inaalam pa ng militar ang pagkakakilanlan ng mga nasawi.

The post 5 NPA patay sa engkwentro sa Bohol appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
5 NPA patay sa engkwentro sa Bohol 5 NPA patay sa engkwentro sa Bohol Reviewed by misfitgympal on Mayo 25, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.