Facebook

Covid update: 5,310 bagong kaso; 7,408 gumaling; 150 nasawi

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 5,310 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Miyerkules, Mayo 26.

Samantala ay mayroon namang naitalang 7,408 na gumaling at 150 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.9% (46,037) ang aktibong kaso, 94.5% (1,127,770) na ang gumaling, at 1.69% (20,169) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong May 24, 2021 ngunit mayroong 4 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 4 labs na ito ay humigit kumulang 1.1% sa lahat ng samples na naitest at 1.7% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)

The post Covid update: 5,310 bagong kaso; 7,408 gumaling; 150 nasawi appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Covid update: 5,310 bagong kaso; 7,408 gumaling; 150 nasawi Covid update: 5,310 bagong kaso; 7,408 gumaling; 150 nasawi Reviewed by misfitgympal on Mayo 26, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.