Facebook

Pre-registered sa libreng bakuna sa Maynila, umabot na ng .5M — Isko

UMABOT na sa 500K ang bilang ng mga residenteng nagparehistro online para sa libreng bakuna kontra COVID-19 simula nang ilunsad ito noong Bisperas ng Bagong Taon ni Manila Mayor Isko Moreno.

Ayon kay Moreno, ito ang pinakamagandang pangyayari sa lungsod at nagpapatunay lamang ito ng pagiging epektibo nang patuloy na kampanya para kumbinsihin nilang dalawa ni Vice Mayor Honey Lacuna ang mga Manileño na lumahok sa vaccination program ng pamahalaang lungsod.

“This is a clear indication that the citizens of Manila now have faith in the vaccines and the system being employed in the city, as it continues to jab and give as many as possible the added protection they deserve against COVID-19,” pahayag ni Moreno.

Sinabi ni Moreno na ang total number ng pre-registered sa Maynila ay umabot na sa 511,404 hanggang nitong 1:30 p.m.,May 26.

Tiniyak ni Moreno na sa oras na matapos na nilang bakunahan ang lahat ng nasa priority list category ay isusunod na agad ng pamahalaang lungsod na bakunahan ang mga nagparehistro pero hindi na-qualify sa priority lists.

Sa kasalukuyan ang mga binabakunahan ay ang mga healthcare workers, frontliners, senior citizens at mga nasa edad 18 hanggang 59 na may comorbidities. Sila ay nabibilang sa A1, A2 at A3 categories na priority lists.

Mula pa noong Miyerkules, May 26, ang pamahalaang lokal ng Maynila ay nakapagbakuna na ng kabuuang 243,864. Sa nasabing bilang 171,761 ang nabigyan ng kanilang first dose habang 72, 103 ang nakatanggap ng kanilang second dose o fully-vaccinated.

Tinalo ng Maynila ang iba pang siyudad sa National Capital Region (NCR) pagdating sa bilis ng pagbibigay ng bakuna. Ito ay base sa pinakahuling NCR Overall Summary report ng Regional Vaccination Operations Center.

Base sa datos na nakalap, lumilitaw na nabakunahan na ng Maynila ang 20 porsyento ng kabuuang bilang ng mga nabakunahan sa buong bansa na umaabot sa 979, 136 ang kabuuan o 7.28 porsyento ng populasyon ng bansa. (ANDI GARCIA)

The post Pre-registered sa libreng bakuna sa Maynila, umabot na ng .5M — Isko appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pre-registered sa libreng bakuna sa Maynila, umabot na ng .5M — Isko Pre-registered sa libreng bakuna sa Maynila, umabot na ng .5M — Isko Reviewed by misfitgympal on Mayo 26, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.