Facebook

Local Hospital Bill ni Sen. Go lusot na sa 2nd reading

NAGBUNGA ang pagsisikap ni Senate Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go, matapos makapasa sa ikalawang pagbasa ang Local Hospital bills na kanyang inisponsoran.

Sinabi ni Go na pinaghirapan niyang maipasa ang 13 bills na layuning ma-improve, madevelop at ma-establish ang public hospital sa iba’t ibang bahagi ng bansa para sa kapakanan ng mga mamamayan.

Kabilang sa mga panukala na ito ang pagpapataas sa bed capacity ng Lying-in clinic sa Rizal Palawan; Naguillan District Hospital sa La Union; Rosario District Hospital sa La Union; Sinait District Hospital sa Sinait Ilocos Sur; East Avenue Medical Center sa Quezon city at ang Mayor Hilarion A. Ramiro Sr. Medical Center sa Misamis Occidental.

Kasama rin sa naipasang bills sa ikalawang pagbasa ang pagtatayo ng Bacolod city General Hospital sa Bacolod Negros Occidental; Eastern Pangasinan Regional Medical and Trauma Center sa Rosales Pangasinan; Davao Occidental General Hospital sa Malita Davao Occidental at ang Neptali Gonzales Hospital sa Mandaluyong city.

Ayon sa panukala, sasailalim din sa conversion ng Merdina Extension Hospital sa Medina Misamis Oriental patungong General hospital at ang Schistosomiasis Control and Research Hospital patungong Governor Benjamin T. Romualdez General Hospital.

Patataasin din sa ilalim ng panukala ang bed capacity ng Eastern Visayas Regional Medical Center sa Tacloban city.

Una nang inihayag ni Go sa kanyang sponsorship speech na base sa kanyang pag-iikot sa iba’t ibang bahagi ng bansa, personal niyang nakita ang kakulangan ng hospital beds at mga equipment.
Binigyang-diin din ni Go na malaking problema din ng bansa ngayong may COVID-19 pandemic ang kakulangan ng mga hospital beds partikular sa ICU.

Ito aniya ang dahilan kaya kinailangang magtayo ng mga temporary facilities at modular hospital para sa mga COVID-19 patients.

Dagdag din ni Go na hindi papayag si Pangulong Rodrigo Duterte na kunin ang pondo mula sa Miscellaneous Personnel Benefits Fund at Pension and Gratuity Fund dahil mababawasan naman ang pondo na para sa ibang Pilipino na nangangailangan. (Mylene Alfonso)

The post Local Hospital Bill ni Sen. Go lusot na sa 2nd reading appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Local Hospital Bill ni Sen. Go lusot na sa 2nd reading Local Hospital Bill ni Sen. Go lusot na sa 2nd reading Reviewed by misfitgympal on Mayo 26, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.