
BAKIT kaya nagpapauto sa kanyang mga tolongges na kaibigan itong si Sen. Manny Pacquiao?
Totoo kayang mga kaibigan mo Sen.Manny ang mga nakapalibot sayo?
Kasi parang walang malasakit at pinagtutulakan ka sa isang laban na na walang kahihinatnang buti at ganantiya.
Hilaw na hilaw ka Mr.Senator para tumakbong presidente.
Hindi boksing ang pulitika na puwede kang maka-lucky punch sa kalaban.
Sa oras na tumakbo ka sa 2022 national elections,di lang political career ang madudurog kundi pati na rin estado ng iyong kabuhayan na ipinundar mo sa pamamagitan ng dugo at pawis.
Sa larangan ng boksing ay isa kang alamat ngunit sa pulitika ay ‘you are nobody’.
Nanalo kang congressman at senador di dahil gusto ka ng tao at ibinoto ka nila.
Binili mo ang posisyon mo ngayon sa Senado gaya ng edukasyong nakamit mo dahil na rin sa sandamukal mong pera.
Di sapat Mr.Senator ang iyong malinis na hangaring makatulong sa tao kung kulang na kulang pa ang iyong kaalaman.
Aasa ka na lamang ba sa mga advisers at consultants para sa tamang interpretaston ng batas?
Kahit pa nga bise presidente ay di ka uubra dahil salat ka sa dunong karanasan sa pagpapatakbo ng bansa.
Di sabungan o boxing gym ang iyong papamahalaan Sen.Manny baka nakakalimutan mo?
Wag mong isugal ang lahat lahat ng mayroon ka sa ngayon ng dahil sa iyong ilusyon.
Kawawa ka Sen.Manny pagdating ng panahon!
Puwedeng mawala lahat ang mga naipundar mo sa iisang iglap. Pati pamilya mo ay puwedeng mapariwara.
Wag mong piliting yakapin ang ang isang bagay na alam mong di mo kabisado at hilaw ka sa kaalaman at karanasan.
Launching a credible nationwide campaign could mean all your fortunes!
Baka magising ka isang araw na pulubi ka na ulet at pinagtatawanan ng mga itinuturing mong mga kaibigan kuno.
The presidency is not for you Mr.Pacman.
Di iyan ang iyong mundo!
Ang mundo mo ay ang boksing na nagkaloob sayo ng di lamang yaman kundi ng magandang asawa at masayang pamilya.
Aantayin mo pa bang mawala lahat ng ito ng dahil sa iyong kahibangan.
Mapait ang magiging resulta nito Mr.Senator na tiyak na di mo kayang tanggapin.
Ibang sakit na di kayang gamutin ng ano mang klaseng painkiller dahil sakit ito sa kaisipan at konsensiya.
Hanggat may panahon pa Mr.Senator wag muna kayo pumasok sa isang patibong na ikakapahamak nyo lamang.
Sundin mo ang payo ng iyong maybahay na si Jingky at ng iyong mga anak.
Puwede ka naman patuloy na makatulong sa sambayanang Pilipino na di nagko commit ng suicide.
Maging ang iyong longtime buddy and best friend/coach & trainer na si Buboy Fernandez ay tutol sa gagawin mong pagtakbo dahil alam nya (Buboy) na mapapariwara ka lamang at masisira ang iyong buhay.
Masakit mang tanggapin,di ka handa Sen.Manny para saluhin ang sangkaterbang problema ng ating bansa.
Kulang na kulang ka sa kaalaman at karanasan para pamunuan ang mahigit sa 159 milyong mamamayan na nakasadlak sa malaking paghihirap at kalituhan.
Payong kapatid Sen.Manny,pakaisiping mabuti bago magdesisyong pumalaot sa maalong karagatan ng pulitika.
Baka lamunin ka lamang ng dagat tsaka isuka sa isang mabahong dalampasigan na tadtad ng basura.
Remember Mr.Senator nobody loves a loser!
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
The post Hilaw na hilaw pa si Pacquiao appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: