Facebook

Papakyaw ng malas?

LALONG lumala ang sigalot sa partido nina DU30 at Manny Pacquiao. Una nagpapapirma ng resolusyon yung Vice-Chairman na patakbuhin ang Presidente bilang VP sa 2022. Inalmahan ito ni Pacquiao na siyang pangulo ng lapian.

Ngayon nagpatawag ng council meeting at general assembly ireng VC na pinigilan ng boksingerong pulitiko. Kaso naglabas ng kalatas ang tagapagsalita ng Palasyo na inutusan daw ni PRRD ang VC na magpapulong nga.

Humirit naman ang senador mula sa GenSan ng audience sa Malacanang pero habang sinusulat natin ang pitak na ito ay walang malinaw na tugon ang pinakamataas na lider.

Yan ang masakit na katotohanan para sa anak ni Aling Dionesia. Oo eksperto siya sa bakbakan sa ibabaw ng ring nguni’t engot siya sa labanang harapan at lalo pa ng talikuran ng mga pulitiko. Malinaw na nagamit lang siya ng mga tradpol.

Sa ika-21 ng Agosto ay nahaharap pa siya sa pinakamatindi niyang fight sa MGM Grand, Las Vegas. Kamano-mano niya ang walang talong kampeon na si Errol Spence Jr. Mas bata ng labing-isang taon, mas matangkad at nasa kalakasan.

Sa pustahan nga ay dehado ang asawa ni Jinkee.

May mga nagtatanong pa kung bakit pumayag ang ama ni Jimwel na kalabanin ang isang tulad ni Spence sa yugtong ito ng kanyang buhay!

Ayon kay Pepeng Kirat ay hindi na niya kailangan patunayan na siya ang pinakamagaling na Pinoy boxer. Hindi na rin daw niya need ang malaking kita. Lalong hindi niya na raw dapat i-risk ang kanyang health sa pagkakataong ito.

Pero bakit daw siya pumayag? Siguro nais niya manalo para sa kanyang ambisyon na humalili sa kasalukuyang star-boarder diyan sa malaking bahay sa may Ilog-Pasig. Marahil sanhi ng kagustuhan na tanghaling pinakamahusay na boksingero sa kasaysayan ng mundo.

Maaaring dagdag-pondo sa kanyang mga proyekto at negosyo pati sa gastusin sa kampanya para sa Mayo. Pwede rin kumbinasyon ng tatlong nabanggit na kadahilanan.

Jackpot si Mane kung manalo. Sobrang malas naman kapag naolat.Ano sa tingin ninyo mga ka-Buslo?

***

Kahapon sa OKS.ay bisita natin ang PBA great na si Rey Evangelista ng Purefoods. Nakasama ng balik-Ormoc na basketbolista sa episode na hatid sa atin ng Biofresh socks at underwears sina Almond Cajepe ng Wilson Balls at AC Valdenor ng BlackTop. Ph.

Ang paksa na ating tinalakay ay ang mga sports brand sa panahon ng pandemya. Paano sila ngayong bawal ang maraming sport activities?

Mapapanood ito sa YouTube (OKS@DWBL May 31, 2021) at FB Live (DWBL 1242 Live Streaming). Nasa FB wall natin ang link ng programa.

The post Papakyaw ng malas? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Papakyaw ng malas? Papakyaw ng malas? Reviewed by misfitgympal on Mayo 31, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.