
INILUNSAD kamakailan ang National Tsinelas Day bilang parangal sa namayapang Secretary Jesse M. Robredo na ginanap sa 13 mga lugar sa Luzon,Visayas at Mindanao.
Pinangasiwaan ito ng Linking Engaging Active Pinoys (LEAP), ang organization ng Filipinos for good governance, kasama ang ibang grupo sa ilalim ng The CSO Guild (TCG), hub ng Tindig Pilipinas, ang namuno sa pagbibigay ng libo-libong rubber sandals sa Pangasinan,Pampanga,Bulacan, Rizal Quezon,Camarnes Sur,Iloilo,Leyte,Zamboanga sa mga lalawigan at Caloocan, Marikina,Valenzuela at Paranaque sa NCR.
Si Robredo, na six-term mayor ng Naga, ay kilala sa kanyang “tsinelas leadership” Honest at epektibo sa pamamahala ng mga gawain sa lungsod sa halos dalawang dekada, sout ang Tsinelas.
Dahil sa kanyang pagsisikap na mapaunlad ang Naga, ay ginawaran siya ng Ramon Magsayay Award for Government Service noong 2000. at Galing Pook Foundations citations.
Sinabi ni Teddy S. Perena, over-all coordinator ng NTD, na muli silang mamahagi ng rubber sandals sa mga mahihirap na komunidad at charitable institutions sa 9th anniversary ni Robredo sa August 18, 2021.
The post National Tsinelas Day inilunsad appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: