Facebook

Brooklyn isang panalo na lang 3-1 vs Boston

MULING pinamunuan ng tinaguriang Big Three ang opensiba ng Brooklyn Nets at hindi na pinaporma pa ang Boston Celtics sa kanilang ika-tatlong panalo sa Game 4 sa iskor na 141-126, kahapon sa TD Garden sa Boston.

Walang humpay sa opensa ang ginawa nina Kevin Durant na may 42 points, Kyrie Irving na nagtala ng 39 points at 11 rebounds at James Harden na nagdagdag ng 23 points at career postseason-high na 18 assists para sa Brooklyn.

Sa pagkakataong ito hindi na kinaya ni Jayson Tatum na may 40 points na tapatan pa ang init ng Nets lalo na at wala ang dalawa nilang stars na sina Jaylen Brown at Kemba Walker dahil sa injuries.

Hindi rin umumbra ang patuloy na pangangantiyaw ng mga Celtics fans kay Irving na dating bahagi ng Boston (2017-2019).

Muntik pa itong tamaan ng bote nang batuhin ng isang fan.

Para naman kay Irving naiintindihan niya ang emosyon ng mga fans pero ang isyu pa rin sa racism ang puno’t dulot nito.

Nagbukas na rin sa full house ang TD Garden na kauna-unahan ngayong pandemya.Sinasabing ang pinagsamang 104 points nina Durant, Irving at Harden ay napantayan ang NBA playoff record ng tatlo ring mga teammates noon sa Boston ang mga basketball greats na sina John Havlicek, Jojo White at Dave Cowens taong 1973. Noon namang 1986 ay napantayan din ito nina Dominique Wilkins, Randy Whitman at Spud Webb.
Ang Game 5 ay gagawin sa New York sa Miyerkules at posibleng doon na tapusin ng Brooklyn ang first-round playoff series para tuluyan silang umusad sa NBA semifinals.

Kung sakaling mangyari, ito ang unang pagkakataon na tutungo ang Nets sa Eastern Conference semifinals mula noong taong 2014.

The post Brooklyn isang panalo na lang 3-1 vs Boston appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Brooklyn isang panalo na lang 3-1 vs Boston Brooklyn isang panalo na lang 3-1 vs Boston Reviewed by misfitgympal on Mayo 31, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.