Facebook

Lady motorist na nanakit ng MTPB enforcer, positibo rin sa droga

POSITIBO rin sa droga ang lady motorist na nanakit ng traffic enforcer ng Manila Traffic Parking Bureau (MTPB) at ngayon ay himas rehas dahil drug possession.

Ito ang ini-report ni MTPB chief Dennis Viaje kay Manila Mayor Isko Moreno, at nagsabing ito ang dahilan ng pangit na pag-uugaling ipinakita ng babaeng motorista nang maganap ang insidente. Ang tatlong pang sinasabing kasabwat ng babaeng motorista ay nagpositibo rin sa drug test matapos na maaresto.

Sa nakaraang flag-raising ceremony nitong Lunes ay binigyan ng plaque of commendation at cash award ni Moreno kasama sina Vice Mayor Honey Lacuna at Viaje ang traffic enforcer na si Marcos Anzurez.

“Thank you for restoring the people’s trust and dignity in the MTPB,” pahayag ni Moreno kay Anzurez, lalo na’t napakasama ng imahe ng MTPB nitong mga nagdaang taon.

“Sa maliit na kaparaanan namin ni Vice Mayor Honey Lacuna, isang seremonya ng pagkilala sa lngkod-bayan na bagamat nakaharap sa kanyang tungkulin sa init, ulan, gitna ng kalsada ng lungsod ng Maynila na maaring makapagbigay ng init ng ulo sa kanya, na maaring siya ay lumabag sa batas at umiral ang kanyang personal na damdamin subalt isinantabi niya sapagkat sa paniwala niy ana ang paglilingkod da bayan ay kayang lawakan ang pang-unawa sa mamamayan,” sabi pa ni Moreno habang inaabot ang plake kay Anzurez.

‘’Yan ang pinatunayan ni Anzurez na isa sa daang empleyado ng MTPB na siyang nadungisan nang mahabang panahon ng hindi magagandang gawain sa nagdaan at isa si Anzurez sa mga MTPB na nakilala nating nagtatanggol sa naaapi,” dagdag pa ng alkalde.

Sinabi ng alkalde na nitong mga nakaraang araw ay kapuri-puri ang mga kawani ng MTPB sa ilalim ng pamamalakad ni Viaje dahil hindi lamang nila naipatutupad ng maayos ang batas trapiko kundi tinutugis pa rin nila ang mga armadong kriminal kahit maaring mangahulugan ito ng pagbubuwis ng kanilang buhay.

Pinuri ni Moreno si Anzurez dahil sa ipinakita nitong katatagan, kalmado at ibayong pagtitimpi sa kabila ng pananakit sa kanya ng suspek na si Pauline Altamirano alias Maria Hola Sy, 26, isa umanong model ng Unit 8E, Tres Palmas, Taguig City,

Inutusan ni Moreno ang mga awtoridad na sampahan ng kaso si Altamirano kasama ang tatlong kasabwat nito na sina Rendor Sanchez, 30; Jason dela Cruz, 29, at Marlon de Guzman, 29, pawang mga taga-Calamba, Laguna, matapos na makuhanan ng droga.

Una ng bumagsak sa tanggapan ni special mayor’s reaction team (SMART) chief Lt. Col. Jhun Ibay si Altamirano nang mahuli siya ng MTPB traffic enforcers na sina Anzurez at Rowell Echalar dahil sa paglabag sa beating the red light sa Osmena Highway malapit sa kanto ng San Andres, Malate habang sakay ng puting Toyota Fortuner na may plakang No. NAX-2723. Nabigo si Altamirano na magpakita ng driver’s license kung kaya’t bumaba ito at sinampal, sinuntok at kwinelyuhan si Anzurez.

Dahil dito humingi ng tulong ang enforcers sa mga awtoridad at hinila ang sasakyan ni Altamirano patungong City Hall. Nang nasa City Hall na ay natuklasan ang droga sa loob ng bag ni Altamirano nang hilingin sa kanya ng mga pulis na ilabas ang lahat ng laman ng kanyang bag.

Dahil dito ay nakipagtulungan na si Altamirano sa mga awtoridad at kinontak ang tatlo pang kasamahan upang kunin ang kanyang bag na naglalaman ng droga. Agad na dumating si Sanchez at inaresto nang tanggapin ang bag kay Altamirano
Mabilis din nitong itinuro at pinuntahan kasama ang grupo ni Ibay ang dalawa pang kasamahan na naghihintay sa van kung saan nakuhanan din ng droga.

Ang apat ay sinampahan ng kaukulang kaso at pare-parehong nagpositibo sa paggamit ng droga, ayon kay Moreno. (ANDI GARCIA)

The post Lady motorist na nanakit ng MTPB enforcer, positibo rin sa droga appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Lady motorist na nanakit ng MTPB enforcer, positibo rin sa droga Lady motorist na nanakit ng MTPB enforcer, positibo rin sa droga Reviewed by misfitgympal on Mayo 31, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.