Facebook

P1 bilyon Agricultural Insurance

SA liderato nitong si DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM (DAR) SECRETARY BRO. JOHN CASTRICIONES ay masuwerte ang mga AGRARIAN REFORM BENEFICIARIES (ARB) dahil sinsero ang mga proyektong inilulunsad tulad na lamang sa paglalaan ng P1 bilyon mula sa badyet ng PHILIPPINE CROP INSURANCE CORPORATION (PCIC) bilang AGRICULTURAL INSURANCE PREMIUM (AIP)

Nitong nagdaang linggo ay nagkaroon ng lagdaan ang DAR at PCIC ng isang joint memorandum circular number 4, series of 2021 ukol sa P1 bilyon badyet para aa mga ARBs sa buong bansa upang mapagaan ang pagkalugi sa agrikultura na maapektuhan ng mga peste, epekto sa pagbabago ng klima at iba pang mga kalamidad.

Ayon kay SEC. CASTRICIONES, ang programa ng DAR-PCIC na ARBs-AIP ay sumasaklaw sa mga pananim ng mga magsasaka na nasira ng mga sakit, peste at mga natural na kalamidad, tulad ng mga bagyo, baha, pagkatuyot, buhawi, lindol, at pagsabog ng bulkan.

Gayunman, binigyang diin ng kalihim na ang mga ARBs lamang na nakalista sa ilalim ng REGISTRY SYSTEM FOR BASIC SECTORS IN AGRICULTURE (RSBSA) ang makakakuha ng insurance program.

“Ang insurance program ay malaking tulong sa mga magsasakang-benepisyaryo dahil ginagarantiya nito na makakabangon silang muli sa pagkalugi sa kanilang sakahan sanhi ng mga natural na kalamidad,” sabi ni Castriciones.

Ang DAR aniya, sa pamamagitan ng mga opisina nito sa mga lalawigan, ay tutukoy ng mga ARB at mga miyembro ng kanilang pamilya na nakatala sa RSBSA sa kanilang lugar na karapat-dapat na makakuha ng libreng insurance coverage.

Idinagdag pa ni Castriciones na tutulong din ang DAR sa paghahanda ng napapanahong pagsusumite ng mga kinakailangang dokumento para sa mga habol na bayad-pinsala sa mga magsasaka at sa pagsasagawa ng claims adjustment verification on notices of loss at mga paghahabol na isinampa ng mga naapektuhang mga ARBs.

Ang PCIC ay siniguro ang pagbibigay ng insurance coverage sa mga kwalipikadong nakarehistro sa RSBSA at mga miyembro ng kanilang pamilya.

Upang matiyak ang epektibo at maayos na pagpapatupad ng ARB-AIP, ang DAR at ang PCIC ay nagkasundo na bubuo ng operations team, secretariat, at DAR-PCIC Regional Coordinating Team.

Isang katulad na insurance program ang matagumpay na naipatupad na noong 2013, kung saan ang DAR ay naglaan ng P1-bilyong pondo para sa farmers’ insurance premium. Mahigit sa kalahating milyong mga ARBs sa buong bansa ngayon ang patuloy na nakatala sa ilalim ng programa.

Para sa 2019 at 2020, ang DAR ay humiling ng insurance fund na nagkakahalaga ng isang bilyong piso sa bawat naturang taon bilang insurance premium subsidy para sa mga ARBs mula sa General Appropriations Act ng PCIC, “.

Napakagandang asiste nito sa mga magsasaka o ng mga ARBs at nawa ay matanggap ng mga benepisaryo ang kaukulang financial assistance bilang pamalit sa pagkakapeste ng kani-kanilang mga produkto!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.

The post P1 bilyon Agricultural Insurance appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
P1 bilyon Agricultural Insurance P1 bilyon Agricultural Insurance Reviewed by misfitgympal on Mayo 30, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.