Facebook

May truck ban uli, at atake ni Carpio kay Du30

ATTENTION truckers: Simula ngayon, Mayo 17, ay ipatutupad uli ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang truck ban sa mga pangunahing kal-ye sa Metro Manila.

Inaasahan kasi na sisikip na naman ang lansangan dahil sa pagbaba ng quarantine sa GCQ (General Community Quarantine) sa NCR Plus (Bulacan, Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna), kungsaan pinapayagan uli mag-operate ang maraming business establishments in limited capacity.

Ang truck ban ay mula 6:00 hanggang 10:00 sa umaga, at 5:00 hanggang 10:00 sa hapon – Lunes hanggang Sabado.

Bawal din ang mga truck dumaan sa EDSA – Magallanes Interchange sa Makati Cty mula Lunes hanggang Linggo.

Pero ang mga truck na may kargang perishable at agricultural products ay exempted.

***

HINDI na tinigilan ni retired Supreme Court Sr. Associate Justice Antonio Carpio ang pag-atake kay Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu ng West Philippine Sea (WPS).

Gumawa si Carpio ng signature petition na pinost sa website ng change.org, na pinababawi kay Duterte ang kanyang statements sa WPS na puros pabor sa China.

Narito ang statements ni Duterte na pinababawi ni Carpio:

– The July 12, 2016 Arbitral Award is just a scrap of paper that deserves to be thrown to the wastebasket;

– The Chinese fishermen can fish in the Philippines’ exclusive economic zone in the West Philippine Sea; and

– China is in possession of the West Philippine Sea.

Ang nga statement na ito kasi ay labag sa ating Konstitusyon at nagbibigay ng karapatan sa China kahit nanalo na ang Pilipinas sa 2016 Hague ruling. Mismo!

Ang mga statement na ito rin ang dahilan kung bakit daan daang barko ngayon ng China ang namumugad, nagsu-survey at nangingisda sa ating karagatan, mga bahura sa WPS, kungsaan hindi na makapasok ang ating mga mangingisda.

So far, kulang tatlong daang barko ng China ang namamataan sa Kalayaan waters sa Palawan.

Ito ang dahilan kaya hindi na natahimik ang makaba-yang Carpio, ang founder ng 1Sambayan, ang grupong nagsisikap pag-isahin ang oposisyon para sa 2022 Presidential election.

Well, tingnan natin kung saan makakarating ang signature petition na ito ni Justice Carpio sa paghahanap ng hustisya para sa mahal nating bansang Pilipinas laban sa pangangamkam ng China sa WPS.

Sa mga gustong suportahan si Carpio para sa WPS, buksan ang website change.org. Now na!!!

***

NAGSALITA narin si Vice President Leni Robredo sa isyu ng kanyang pagtakbo sa 2022 Election.

Aniya, gusto niya talaga sa local dahil nami-miss niya ang pagserbisyo sa kanilang komunidad, sa Camarines Sur. Pero bukas parin naman siya para sa pagtakbong Presidente sa darating na halalan.

Ang statement na ito ni Robredo ay kasunod ng anunsyo ni dating Senador Antonio Trillanes na nakahanda siyang kumandidatong Presidente kapag ayaw ni Robredo.

Si Trillanes, ang nagbunyag sa katiwalian sa AFP noong panahon ni Gloria Macapagal-Arroyo, ay numero unong kritiko ni Duterte.

Sa kabilang banda, dalawa lang ang posibleng pagpipi-liang iendorso ni Pangulong Duterte sa 2022, kung hindi si Sen. Bong Go ay ang kanyang anak na si Davao City Ma-yor “Inday” Sara Duterte-Carpio. Mismo!

The post May truck ban uli, at atake ni Carpio kay Du30 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
May truck ban uli, at atake ni Carpio kay Du30 May truck ban uli, at atake ni Carpio kay Du30 Reviewed by misfitgympal on Mayo 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.