Facebook

Miyembro ng HPG kulong sa kotong

ISANG miyembro ng Highway Patrol Group (HPG) ang inaresto ng mga elemento ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP IMEG) sa pangongotong sa may-ari ng isang mini dump truck sa entrapment operation sa Cabadbaran City, Agusan del Norte.
Kinilala ang pulis na si SSg Ronelo G Tering-tering, nakataga sa Highway Patrol Group Cabadbaran City.
Ayon kay Brig. General Thomas Frias Jr., Direktor ng PNP-IMEG, isinagawa ang entrapment ng pinagsanib na mga elemento ng PNP IMEG-Mindanao Field Unit, Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa PHPT office sa Cabadbaran City.
Nag-ugat ang operasyon nang maghain ng reklamo ang may-ari ng mini dump truck na nanghihingi ang pulis ng P10,000 kapalit ng pag- release ng in-impound na dump truck.
(Mark Obleada)

The post Miyembro ng HPG kulong sa kotong appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Miyembro ng HPG kulong sa kotong Miyembro ng HPG kulong sa kotong Reviewed by misfitgympal on Mayo 24, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.