Facebook

P20M donasyon para sa renovation ng dialysis unit ng Sta Ana Hospital — Isko

GOOD news sa lahat ng residente ng sixth district ng Maynila na nangangailangan ng dialysis.

Inanunsyo ni Manila Mayor Isko Moreno na isasailalim sa renovation ang dialysis unit ng Sta. Ana Hospital na siyang nagsisilbi bilang pangunahing ospital pagdating sa COVID-19 cases.

Ayon kay Moreno, isang pribadong indibidwal na may ginintuang puso ang nagbigay ng halagang P20 million upang gamiting pantustos sa renovation ng dialysis unit sa Sta Ana Hospital, pero hindi pa muna binanggit ng alkalde ang pagkakakilanlan.

Sinabi pa ni Moreno na sinisimulan na ang renovation sa pakikipagtulungan ni Sta. Ana hospital director Dr. Grace Padilla, na nagpasalamat sa alkalde at sa sponsor at sinabing malaking tulong ito sa pagamutan sa patuloy na pagbibigay ng magandang serbisyo.

Sinabi ni Padilla na ang lumang dialysis area ay sasailalim sa renovation at gusto ng alkalde na lagyan ito ng mga bagong kagamitan.

Kabilang sa mga pagbabagong makikita sa soon to be re-opened dialysis unit, ayon kay Padilla ay ang six hemodialysis chairs with portable RO para sa mga COVID patients.

Magkakaroon din ng isolation rooms para sa dialysis patients na may COVID-19 habang ang isa pang dialysis unit ay ilalagay sa Intensive Care Unit. Ang dialysis area ng ospital ay nasa sixth floor.

Ang nasabing dialysis unit na isasailalim sa renovation ay makakasama na ng Flora V. Valisno de Siojo Dialysis Center’ na binuksan noong ika-45 taong kaarawan ni Moreno noong 2019 kasama sina Vice Mayor Honey Lacuna at ang nasirang Mayor Alfredo S. Lim kung saan ipinangalan sa kanyang lola ang nasabing center.

Ang Flora V. Valisno de Siojo Dialysis Center ay matatagpuan sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center sa ilalim ni director Dr. Ted Martin na siyang nanguna sa pagbubukas ng nasabing center at pinaniniwalaang pinakamalaki sa Southeast Asia. (ANDI GARCIA)

The post P20M donasyon para sa renovation ng dialysis unit ng Sta Ana Hospital — Isko appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
P20M donasyon para sa renovation ng dialysis unit ng Sta Ana Hospital — Isko P20M donasyon para sa renovation ng dialysis unit ng Sta Ana Hospital — Isko Reviewed by misfitgympal on Mayo 24, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.