Facebook

Pagkatapos ng ‘bakuna slot for sale’, ano ang susunod?

BAKUNA ang ibinibida ng pamahalaan at mga doktor na siyang lunas sa coronavirus disease – 2019 (COVID – 19).

Ngunit, nakabubuwisit naman ang nagyayari sa bakunang ito dahil samu’t saring suliranin at kabulastugan ang nangyayari rito.

Noong una ay problema ng pamahalaan ang pag-order dahil higit na kinikilingan daw ng mga pharmaceutical firms ang mga malalaking bansa napakaraming order.

Habang naghahanap ng bakuna si Secretary Carlito Galvez Jr., nabunyag naman sa senado ang sobrang mahal ng bakunang gustong bilhin ng Pilipinas.

Sabi ng isang senador, mukhang mayroong mga opisyal sa administrasyong Duterte na gustong pagkakitaan nang todo ang bakuna.

Pokaragat na ‘yan!

Natapos ang imbestigasyon sa Senado, hindi natumbok ang mga korap sa pamahalaang gustong madagdagan ang pera na manggagaling sana sa bakuna.

Nang dumating na ang bakuna sa Pilipinas, problema naman ang paghikayat sa mamamayan na magpabakuna.

Pero, ang pinakamatinding isyu ay ang pagpapabakuna ng ilang opisyal ng pamahalaang lokal.

Nauna pa sila sa healthworkers.

Pokaragat na ‘yan!

Sabi ng isang opisyal ni Interior Undersecretary Epimaco Densing III, dapat lamang na managot ang mga alkalde.

Nagsagawa ng imbestigasyon ang DILG laban sa mga alkalde, ngunit wala ring nangyari pagkatapos ng mga pahayag ni Densing sa media laban sa mga alkalde.

Mayroon namang kontrobersiya sa hanay ng mga kapitalista.

Ayon sa tagapangulo ng NAGKAISA Labor Coalition na si Jose Sonny Magtula, nakakuha ang alyansa ng impormasyon na maraming kapitalista ang inoobligang magbakuna ang kanilang mga manggagawa.

Ngunit, ang masama sa mga kapitalista ay mayroon sa hanay nil ana pinababayaran sa mga manggagawa ang bakuna.

Pokaragat na ‘yan!

Siyempre, iginiit ni Matula na pangulo rin ng Federation of Free Workers (FFW) na mali ang gagawin ng mga kapitalista.

Pinapanigan ko si Matula dahil sobrang bakaw naman sa pera ng mga kapitalistang ito.

Hindi na nga nagpapasahod nang tama ngayong panahong matindi ang COVID – 19, pagkakakitaan pa ang binili nilang bakuna.

Pokaragat na ‘yan!

Ang isa pang bagong kalokohan sa bakuna ay mayroong mga ‘konektado’ raw sa pamahalaang lokal ng San Juan City at Mandaluyong City na ibinebenta ang slot sa bakuna sa nakapataas na presyo.

Tahasang itinaggi nina San Juan Mayor Francis Zamora at Mandaluyong Mayor Carmelita Abalos na mayroong “bakuna slot for sale” sa kanilang administrasyon.

Hiniling ng dalawa na magkaroon ng imbestigasyon hinggil sa nasabing bakuna slot for sale.

Naisapubliko ang panibagong krimen ukol sa bakuna nang ibunyag ito sa media ng mga muntik nang mabiktima ng krimen.

Kagyat namang pinaimbestigahan ni Philippine National Police (PNP) Chief Guillermo Lorenzo Eleazar ang iregularidad sa Criminal investigation and Detection Group (CIDG), alinsunod sa ipinag-utos ni Interior Secretary Eduardo Año.

Ngunit, hindi kontento si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. sa aksyon ni Eleazar dahil nagtungo pa ang una sa National Bureau of Investigation (NBI) upang pormal siyang magreklamo at paimbestigahan ang naganao umano sa Mandaluyong at San Juan.

Siyempre, mayroong media coverage ang ginawa ni Abalos upang lumabas sa media ang kanyang aksyon laban umano sa mga may pakana ng pagbebenta ng slot sa bakuna.

Pokaragat na ‘yan!

Ano naman kaya ang susunod na problema at anomalyang susulpot tungkol sa bakuna?

The post Pagkatapos ng ‘bakuna slot for sale’, ano ang susunod? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pagkatapos ng ‘bakuna slot for sale’, ano ang susunod? Pagkatapos ng ‘bakuna slot for sale’, ano ang susunod? Reviewed by misfitgympal on Mayo 24, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.