
Magpahanggang ngayon ay di pa natatalakay sa bulwagan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang P10K AYUDA BILL na isinumite ni former Speaker at Taguig City Representative Alan Peter Cayetano.
Dahil nga si Cayetano ang ponente ng naturang bill kung kaya’t tila sadyang inuupuan ito at napupulitika ng mayorya sa Kamara.
Si Cayetano nga ang masipag na nagsusulong ng nasabing panukalang batas katuwang ang ilang sa mga kaalyado nitong mga kongresista na nabibiling sa inner circle ng nga pro Cayetano solons.
Ito ang dahilan kung bakit mas inuna pang tinalakay ng grupo ni House Speaker Lord Allan Velasco ang Bayanihan 3 Bill na halos katumbas lamang ng limos na tulong sa mamamayan na nagkakahalaga lamang ng 1K kada indibidwal.
Again,saan makakarating ang isang libong ayuda sa panahong ito lalo na at halos 45 porsiyento sa mga kababayan natin ay nalumpo o gumagapang ang kabuhayan.
Ang P10k Ayuda Bill ni Cayetano ay hindi maituturing na isang uri ng dole out dahil malaki ang maitutulong nito sa kabuhayan ng bawat pamilyang naapektuhan ng salot na Covid-19 pandemic.
Kahit pa nga di pa nagiging batas,nagkakaloob ng ang grupo ng mga kongresistang kaalyado ni Cayetano ng tig 10k piso sa ilang pamilya na tinatayang umaabot na sa bilang ng limang daan katao.
Huling napagkalooban ng tig 10 libong pisong ayuda ay ang mga constituents ni Cong. Dan Fernandez sa 1st District ng Laguna.
Si Cong. Dan ay kilalang loyalistang kaalyado ng dating Speaker Alan.
May kasunod na grupong pagkakalooban ng ayuda sa linggong ito sa lalawigan naman ng Cavite.
Malaking bagay ang halagang sampung libong piso sa mga maralitang pamilyang Pinoy.
Puwedeng maging kahulugan ito ng malaking pag-asa at panibagong panimula.
Inuulit natin,hindi limos ang kailangan ng ating mga kababayang nagugutom gaya ng nakapaloob sa Bayanihan 3 Bill na isinusulong ng grupo ni Cong.Velasco.
Ayudang pangkabuhayan na puwede nilang magamit sa pagsisimula muli ng kanilang nadiskaril na kabuhayan.
Puhunan ika nga para sa ano mang maliit na negosyong puwede nilang simula.
Hindi pang bili ng 3 kilong bigas at ulam na aabot lamang ng isang araw.
Saan nga naman makakarating ang isang libong piso?
May malaking posibilidad pa na mapunta pa ito sa masasamang loob dahil indibidwal ang mode ng pagbibigay.
Kung sana lamang at maalis na ang masamang sistema ng pamumulitika diyan sa Kongreso at isaalang- alang ang dakilang layon na tunay na makatulong sa ating mga naghihirap na kababayan,ipasa na ang P10k AYUDA Bill at wag nang burahin sa Kamara.
Tutal ang paglikom ng pondo o pera para sa bill na ito ay nakapaloob naman sa isinumiteng panukalang batas.
Pewedeng balikatin ito ng gobyerno at ng private sector na may pusong tumulong sa mamamayang Pilipino ngayon ngang may nararanasan tayong pandaigdigang krisis.
Maganda at dakila ang P10k Ayuda Bill ngunit nayayambungan nga lamang ito ng kulay pulitika ngunit kung paiiralin ang wishful thinking at tunay na malasakit sa sambayanan,marapat lang na kapagdakang largahan na ito ng Kongreso.
Maging masinop lamang sana ang gagawing pamimigay nito sa mga tunay na nangangailangang pamilya.
Ayon sa ilang pamilya nang napagkalooban na ng ganitong ayuda mula sa kampo ni Cayetano,nabigyan ng panibagong pag- asa ang kanilang buhay na kanilang pinasasalamatan ng malaki.
Sakali ngang ganap na maging batas,lahat ng pamilyang Pinoy ay mabibiyayaan.
Magagamit ito ng mga nasa braket ng poorest of the poor.Mga pamilyang halos dalawa o isang beses na lamang kumain sa loob ng isang araw.
Kudos sayo Cong.Alan Peter Cayetano dahil talagang ipinaglalaban mo talaga ang mga mahihirap nating kababayan.
Again,nawa’y tigilan na ang pamumulirika ng ilan sa ating mga mambabatas.isaisangtabi muna natin ang pulitika ngayong pandemya.
Magkaroon naman sana kayo ng konsensiya at gampanan ng tama ang inyong mga tungkulin at responsibilidad sa mamamayan.
Speaker Lord Allan Velasco,pwede po ba sir?
For the sake of the Filipino people!
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
The post P10K Ayuda Bill napupulitika sa Kongreso appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: