Facebook

Bong Go namahagi ng ayuda sa IPs, komunista at magsasaka

SA gitna ng patuloy na krisis na dulot ng COVID-19 pandemic, namahagi ng ayuda si Senator Christopher “Bong” Go sa indigenous communities, mga dating komunista at magsasaka sa Mati City, Davao Oriental.

“Mga kababayan ko, kamusta po kayo? Sana po ay nasa mabuti kayong kalagayan. Alam ko pong mahirap ang panahon ngayon, nasa krisis po tayo dulot ng COVID-19 pandemic. Marami po ang nawalan ng trabaho, marami po ang nagsara na negosyo, marami pong mga OFWs natin na umuwi,” ang sabi ni Go sa kanyang video message.

“Talaga pong hirap na hirap po ang bawat Pilipino kaya kailangan nating magtulungan, kailangan nating magmalasakit at magbayanihan sa ating kapwa Pilipino. Sino ba naman ang magtutulungan kung hindi tayo lang po, kapwa nating mga Pilipino,” idinagdag niya.

Namahagi ang grupo ng senador ng meals, food packs, at mga gamot sa 400 beneficiaries sa 66IB Advance Command Post sa Brgy. Dawan.

Nagkaloob din sila ng vitamins, reusable at medical-grade masks at face shields para masiguro na ligtas ang kalusugan ng beneficiaries sa banta ng COVID-19.

May mga piling indibidwal na binigyan ng bagong sapatos, bisikleta at computer tablets para sa mga batang mag-aaral.

Hinimok ng mambabatas ang mga benepisyaryo na lumapit sa gobyerno kung nangangailangan ng tulong pinansiyal at medikal.

“Kung kailangan niyo po ng tulong medikal, mayroon po tayong Malasakit Center sa inyong lugar at handang tumulong ito. One-stop shop po ito. Nariyan na po ang Philippine Charity Sweepstakes Office, Philippine Health Insurance Corporation, Department of Health, at Department of Social Welfare and Development na handang tumulong po sa inyo, sa inyong hospital bills,” ani Go.

Samantala, tiniyak din ni Go sa mga dating rebeldeng komunista at kanilang pamilya sa Calubian town, Leyte ang pangako ng gobyerno na sila ay tutulungan at hindi pababayaan para makarekober sa kasalukuyang krisis.

“Sa akong mga kaigsuonan, alam natin na mahirap ang buhay ngayon dulot ng pandemya at sunod-sunod na kalamidad na tumatama sa bansa. Huwag kayo mag-alala. Patuloy lang tayo magtulungan, magbayanihan at magmalasakit sa ating kapwa Pilipino,” sabi ni Go.

“Nangangako kami ni Presidente Rodrigo Duterte na walang maiiwan sa laban natin na ito. Hangad ng pamahalaan na magkaroon ng maginhawang buhay ang bawat Pilipino.”

“Sa mga taga-Leyte, huwag kayong mahiyang magsabi o manghingi ng tulong sa amin dahil trabaho namin ang magsilbi sa inyo. Gagawin namin ang lahat sa abot ng ating makakaya para magbigay ng tulong sa mga nangangailangan at mag-iwan ng ngiti sa oras ng inyong pagdadalamhati,” pahabol ng senador. (PFT Team)

The post Bong Go namahagi ng ayuda sa IPs, komunista at magsasaka appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bong Go namahagi ng ayuda sa IPs, komunista at magsasaka Bong Go namahagi ng ayuda sa IPs, komunista at magsasaka Reviewed by misfitgympal on Mayo 23, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.