Facebook

“Wise move” ni Digong!

PARANG “nakapulot ng ginto sa bunton ng mga dayami” si Pangulong Rodrigo Duterte nang sa wakas ay pinili nito si Lieutenant General Guillermo T. Eleazar na pamunuan ang mahigit sa 220,000 opisyales at kagawad ng Pambansang Kapulisan.

Umani ng papuri si Digong dahil tumpak ang desisyon nito na hirangin noong Mayo 7, 2021 si Eleazar mula sa mga aspiranteng heneral ng Philippine National Police (PNP).

Bago itinalaga ni Digong ang dating PNP Deputy Director for Administration na si Eleazar ay may mga espekulasyon na isa na namang DDS ang tatanghaling bagong pinuno ng tila matanda, uugod-ugod at sakiting organisasyon.

Pinagmukhang matandang hukluban at dinungisan pa ng ilan sa mga naging pinuno nito ang imahe ng PNP sanhi ng korapsyon at mahinang liderato na pangunahan ng walang halong pag-iimbot ang kanilang hanay sa looban ng kanilang termino.

Naging tanyag naman si Eleazar kaysa sa iba na dahil sa mas kwalipikado ito para sa nasabing posisyon. Higit na malaki ang naging puhunan at nagawa nito para ilagay sa tamang perspektibo ang takbo ng Kapulisan. Halos ang buo nitong panahon at buhay ay inialay na ni Elezar sa paglilingkod sa bayan at mamamayan.

Kung tutuusin dapat sana’y noon pa man ay hinirang na ni Digong si Eleazar, sa halip na unang itinalaga nito sina Archie Francisco Gamboa at Camilo Cascolan na parehong mistah ni Heneral Eleazar sa Philippine Military Academy (PMA).

Tama ang pagtataya ng ating mga katoto,kung hindi lamang pumalpak ang noon ay PNP Chief Oscar Albayalde, marahil si Eleazar na ang naunang naluklok sa prestihiyosong posisyon na siyang sukatan ng tagumpay ng sinumang PNP officials.

Kaya naman pumapalakpak ang inyong lingkod dahil sa napaka-talinong pagpapasya ni Pangulong Digong!

MAGPATAYAN NA
LANG KAYO!

SULAT NI JUAN: MALAKING bagay para sa kaalaman ng mga mamamayan ang nausong gadget na pwedeng ipost lahat ng mga bagay-bagay. Noon walang kaalam-alam ang mga ordinaryong tao. Lahat ng kawalanghiyaan sa gobyerno nakapost sa social media, fb at youtube, mga bangayan ng mga pulitiko at opisyales ng gobyerno. Nagtuturuan, nag-aakusahan, nagpaparatangan lalo na sa usaping iligal na pasugal at droga. Dami ko nang napanood pero kahit isa sa kanila ay walang umamin kahit may ebidensya laban sa kanila.Hanggang sa magkamurahan at magkahamunan. Wala silang maitatagong kabahuan at kabulukan lalo na sa PCSO, DSWD, DPWH, DOH at BOC. Halos lahat na ahensya ay merong kurakutan at nakawang nangyayari.Pero walang nakukulong maliban lang kung kritiko ka ni Digong. Meron pa bang nakulong kundi si Leila De Lima? Wala, kayo-kayo naglalabasan ng mga kawalanghiyaan nyo, magpatayan na lang kayo, ang tuwa lang namin! JUAN PO NG MAYNILA.

***

Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144, email: sianing52@gmail.com

The post “Wise move” ni Digong! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
“Wise move” ni Digong! “Wise move” ni Digong! Reviewed by misfitgympal on Mayo 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.