Facebook

Disenteng pabahay sa mga biktima ng kalamidad, sunog isinulong ni Bong Go

NAMAHAGI ng ayuda ang tanggapan ni Senator Christopher “Bong” Go sa mga pamilyang nawalan ng tirahan matapos matapos masunugan sa magkahiwalay na insidente sa Brgy. Sauyo, Quezon City noong April 29 at sa 19-P Concepcion, Tugatog, Malabon City noong April 30.

Sa kanyang video message, sinabi ni Go na patuloy niyang isinusulong ang pagpapasa ng Senate Bill No. 203 o ang ‘National Housing Development, Production and Financing Act’ sa Senado.

“Marami na akong napuntahang mga nasunugan at nawalan ng tirahan. Kailangan natin silang tulungang makabangon muli through low-cost housing programs, kasama na riyan ang housing assistance for fire victims at construction ng safe at permanent na evacuation centers,” ang paliwanag ni Go, vice-chair ng Senate Committee on Housing.

Ang nasabing bill, na inihain ni Go noong 2019, ay layong madagdagan ang housing production sa pamamagitan ng pagtiyak na may sapat na pondo ang gobyerno upang mapinansiyahanm ang proyekto hanggang pangmatagalan.

Kamakailan ay nag-organisa ang grupo ni ng relief activities para sa mga biktima ng sunog. Namahagi sila ng financial assistance, meals, food packs, vitamins, masks, at face shields sa tinatayang 181 pamailya pero nasusunod ang kinakailangang health at safety protocols.

May mga benepisyaryong nakatanggap ng mga bagong sapatos, bisikleta at computer tablets para sa mga mag-aaral.

“Kami naman po ni Pangulong Duterte ay handang magserbisyo sa inyo sa abot ng aming makakaya. Magtiwala lang tayo sa gobyerno, magtulungan lang tayo,” ani Go.

“Alam ko po na hirap kayo, hirap din po kami ni Pangulong Duterte. Kayo po ang nagbibigay ng lakas sa amin para po makapagserbisyo po kami upang malampasan natin itong pandemyang ito,” dagdag niya.

Bago ito, nagsagawa rin ng relief activities ang pangkat ni Go sa mga biktima ng sunog sa Barangay Bayanan, Muntinlua; Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City at sa Brgy. Olympia, Makati City. (PFT Team)

The post Disenteng pabahay sa mga biktima ng kalamidad, sunog isinulong ni Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Disenteng pabahay sa mga biktima ng kalamidad, sunog isinulong ni Bong Go Disenteng pabahay sa mga biktima ng kalamidad, sunog isinulong ni Bong Go Reviewed by misfitgympal on Mayo 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.