Facebook

Proud to be PNP

If you believe in yourself and have dedication and pride—and never quit, you’ll be a winner. The price of victory is high but so are the rewards. — American football player Bear Bryant

PASAKALYE

Text message . . .

Eleazar bagong Chief PNP. Sana hindi tulad ng iba na CHEAP PNP ito. Sana walang sasantuhin ito sa lahat ng uri ng iligal. Dapat ALL! Galingan mo Sir! — Juan ng Tondo ( 09094818…, May 6, 2021)

* * *

SA simula pa lang ay nakakitaan na ng inyong lingkod ang sipag at kalidad ng ating bagong hepe ng Philippine National Police (PNP).

Una po nating nakadaupang-palad ang bagong hirang na PNP director Lieutenant General GUILLERMO LORENZO TOLENTINO ELEAZAR noong naging isa siyang guest panelist ng kapihan sa Manila Bay sa Café Adriatico sa Malate, Maynila. Brigadier General pa lang noon ang ating kapatid na heneral at hepe ng Quezon City Police District (QCPD), na kung kailan ay doon niya naisip ang motto ngayon ng QCPD na ‘Proud to be QCPD’.

Sa totoo lang, malaking pasasalamat na siya ang napili ng ating mahal na pangulong RODRIGO DUTERTE na humalili kay Gen. DEBOLD ‘Mañanita’ SINAS. Tulad nga ng sinabi naming noon pa, mahalaga sa isang opisyal, tulad ng ating magigiting na police officer ng PNP, na marunong silang making sa mga hinaing at sumbong ng taongbayan at publiko.

Nasubukan po ng inyong lingkod na mag-cover sa PNP noong panahon ng panunungkulan ni Ge. RONALD ‘Bato’ D ELA ROSA, at nakakalungkot sabihin na sa mahigit isang buwan kong pag-cover sa Kampo Crame para sa Philippine News Agency (PNA), ay hindi ko man lang na-interview ang ngayo’y senador na si ‘BATO’ DELA ROSA. Ang dahilan kasi’y kailangan ko pa munang magpamiyembro sa PNP Press Corps para payagang matupaf ko ang aking tungkulin bilang malayang mamamahayag—malaya nga ba o nasa ilalim ng impluwensya ng matitikas na mga reporter ng PNP Press Corps?

At sa uri naman ni SINAS ay wala din tayong mapuri sa kanya dahil sa gitna ng kanyang mga pagkakamali ay protektado siya ng residente ng Malacañang.

Mabuti na nga lang ay retirado na ang dalawang KUMAG at isang batikang hepe ngayon ang pumalit!

Subok na natin si Gen. ELEAZAR at hindi tayo nagkamali na mithiin at ngayon ay ipagbunyi ang kanyang pagkakapuwesto bilang hepe ng pambansang pulisya.

Kudos . . . borther-general!

* * *

PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!

The post Proud to be PNP appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Proud to be PNP Proud to be PNP Reviewed by misfitgympal on Mayo 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.