Facebook

3 NPA sangkot sa pagkamatay ng FEU football player patay sa engkuwentro

TODAS ang tatlong miyembro ng New Peoples Army (NPA) nang makaengkwentro ang pinagsanib na mga elemento ng pulisya at militar sa Barangay Anas, Masbate nitong Martes ng umaga.

Inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng 3 nasawing rebelde na pinamumunuan ng isang Arnold Rosero alias “Star” na nag-o-operate sa lalawigan ng Masbate.

Ayon kay BGen Jonnel Estomo, Regional Director PRO5, bahagi ang operasyon ng pagtugis sa mga rebelde na responsable sa pagkamatay ng FEU footbal team player na si Keith Absalon at tiyuhin nito at pagkakasugat ng isa nang masabugan ng landmine at pinagbabaril pa ng mga tetorista habang nagbibisikleta sa Purok 4, Barangay Anas, Masbate.

Sa ulat, naganap ang engkwentro 5:30 ng umaga nang magsagawa ng operasyon ang pinagsanib na mga elemento ng PNP at Scout Platoon ng 9th Infantry Division at nasa 30 rebelde sa Bgy. Anas. (Mark Obleada)

The post 3 NPA sangkot sa pagkamatay ng FEU football player patay sa engkuwentro appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
3 NPA sangkot sa pagkamatay ng FEU football player patay sa engkuwentro 3 NPA sangkot sa pagkamatay ng FEU football player patay sa engkuwentro Reviewed by misfitgympal on Hunyo 08, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.