Facebook

Lalaki naningil ng panalo sa karera ng kalapati, binayaran ng saksak-patay

BUHAY ang naging kapalit sa pagdayo ng isang lalaki sa barangay nang sisingilin nito ang panalo sa pusta sa karera ng mga kalapati sa Maynila.

Kinilala ang biktima na si Kenneth Pagulayan, 30 anyos.

Sa kuha ng CCTV ng Barangay 767, San Andres Bukid, Maynila, pinagsasaksak ng apat na lalaki sa harap ng maraming tao ang biktima.

Nagawa pa ni Pagulayan na makatakbo pero nadapa ito kaya inabutan ng mga salarin at pinagtulungang saksakin ng apat na beses sa likod.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District, nabatid na pustahan sa karera ng kalapati ang motibo sa likod ng naturang krimen.

Tinatayang P1,000 ang sisingilin ng biktima sa mga salarin kaya dumayo ito sa lugar ng mga salarin na nasa kabilang barangay.

Hinahanap ng mga awtoridad ang cellphone ng biktima para malaman ang naging pag-uusap ng biktima at mga salarin.

Pinaghahanap narin ang mga salarin na tukoy na ang pagkakakilalanlan na nasa edad 20 hanggang 30.

Ngunit kahit nangyari ang krimen sa harap ng maraming tao, walang saksi na nais magbigay ng pahayag na maaaring dala ng takot sa mga salarin.

Ayon sa barangay, kilalang pasaway ang mga salarin sa kanilang lugar na pawang nasa drug watchlist.

The post Lalaki naningil ng panalo sa karera ng kalapati, binayaran ng saksak-patay appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Lalaki naningil ng panalo sa karera ng kalapati, binayaran ng saksak-patay Lalaki naningil ng panalo sa karera ng kalapati, binayaran ng saksak-patay Reviewed by misfitgympal on Hunyo 08, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.