Facebook

Bilibid natakasan at namatayan ng preso; DOJ mag-iimbestiga

NITONG Martes inaasahan na magpupunta si Justice Undersecretary Deo Marco sa National Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City para personal na alamin ang detalye sa pagtakas ng isang preso noong nakaraang linggo.

Sinabi ni Marco na humingi na siya ng ulat hinggil sa insidente maging sa gulo na kinasasangkutan ng apat na preso.

Kinilala ang nasawing preso na isang Edgardo Austria, nakakulong sa Minimum Security Compound.

Diumano sinamantala ni Austria para tumakas ang pagsasagawa ng search operation ng mga tauhan ng Bureau of Corrections sa mga selda sa loob ng maximum at medium security compounds.

Unang nakarating kay Justice Secretary Menardo Guevarra ang nangyaring kaguluhan na nagresulta sa pagkamatay ng isang preso.

Aniya, humingi na siya ng detalyadong ulat ng insidente.

Ang dalawang insidente ay nangyari Hunyo 1, Martes.

The post Bilibid natakasan at namatayan ng preso; DOJ mag-iimbestiga appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bilibid natakasan at namatayan ng preso; DOJ mag-iimbestiga Bilibid natakasan at namatayan ng preso; DOJ mag-iimbestiga Reviewed by misfitgympal on Hunyo 08, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.