Facebook

11-anyos namatay sa rabies; kagat ng aso inilihim

ISANG 11-anyos na lalaki ang nasawi sa rabies ng aso sa Marilao, Bulacan.

Kinilala ang biktima na si Poul Amber Bantillo.

Kuwento ng ama ng bata: “Hindi sinasabi sa amin. Nung sabi ng bata na kasama niya, noon pa raw nakaraang linggo [nakagat].”

Ilang araw bago pumanaw ang bata, napansin ng pamilya na sumusuka si Poul, hindi makakain at hindi umiinom ng tubig, balisa at kinalaunan ay nag-lock o nanigas na ang panga.

Pero nang tanungin daw nila ang bata, itinanggi parin niya nakagat siya ng aso.

Nakumpirma lang ang hinala nila nang dalhin nila sa ospital ang bata.

Paglabas palang ng ambulasiya, nagtatakbo na ang bata. Doon ay nagkaroon na ng hinala ang mga duktor na na-rabies si Poul.

Nang ipasok sa ospital, itinali si Poul dahil nagwawala na siya at isang oras makalipas nito ay pumanaw na ito.

Inaalam pa ng pamilya kung sino ang may-ari ng aso na nakakagat sa bata.

Sa datos ng Department of Health, mahigit 200 ang namamatay dahil sa rabies sa Pilipinas kada taon.

The post 11-anyos namatay sa rabies; kagat ng aso inilihim appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
11-anyos namatay sa rabies; kagat ng aso inilihim 11-anyos namatay sa rabies; kagat ng aso inilihim Reviewed by misfitgympal on Hunyo 08, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.