Facebook

P13.6m shabu nasabat sa Davao City

NASAMSAM ng mga miyembro ng Davao City Police Office Special Operation Group, Bunawan Police Station, at Panabo Police Station ang P13.6 milyong halaga ng shabu sa isang buy-bust operation sa Barangay Lasang, Davao City, Lunes ng gabi.

Kinilala ang nadakip na si Jaber Sarangani, 24 anyos, bulag, residente ng Purok 6, San Francisco Pida, Panabo, Davao del Norte.

Ayon kay Police Major Noel Villahermosa, hepe ng Bunawan Police Station, nabilhan ng poseur buyer ang suspek ng isang sachet na nagkakahalaga ng P600,000.

Bukod sa buy-bust item, nasamsam rin ng mga otoridad ang pito pang pakete na nasa 850 gramo.

Dagdag ni Villahermosa, mismong ang suspek ang bumabiyahe sa Marawi City upang kunin ang droga na ibenebenta sa Davao City at Davao del Norte.

The post P13.6m shabu nasabat sa Davao City appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
P13.6m shabu nasabat sa Davao City P13.6m shabu nasabat sa Davao City Reviewed by misfitgympal on Hunyo 08, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.