Facebook

Lalaki pinugutan ng ulo at hintuturo, katawan isinako

NATAGPUAN ang nakasakong katawan ng lalaki na pugot ang ulo sa bakanteng lote sa Caloocan City, Lunes ng umaga.

Sa ulat, 7:50 ng umaga nang makita ang isang puting sako sa Gumamela St. corner Cadena De Amor St., Barangay 175 na may bahid ng dugo.

Nang buksan ang sako, bumulaga ang katawan ng isang lalaki na walang ulo at putol din ang kanang hintuturo.

Inilarawan ang biktima na nasa 30 anyos, 5’5 ang taas at may tattoo na dragon sa likuran.

Ipinagpalagay ng pulisya na sa ibang lugar pinatay ang biktima at itinapon lamang sa naturang lugar para iligaw ang imbestigasyon.

The post Lalaki pinugutan ng ulo at hintuturo, katawan isinako appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Lalaki pinugutan ng ulo at hintuturo, katawan isinako Lalaki pinugutan ng ulo at hintuturo, katawan isinako Reviewed by misfitgympal on Hunyo 08, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.