Facebook

6 TULAK SA MARIKINA TIMBOG!

HULI sa buybust ang dalawa, habang sa pot session natimbog ang apat sa operasyon ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Marikina City Police.

Kinilala ni Colonel Benliner Capili, hepe ng Marikina City PNP, ang mga nadakip na sina Annalyn Penonding, 57 anyos; Sailani Donto, Maria Cristina Josef, Jomari Ordonez, Dennis Ordonez at Asgar Bangcola, pawang taga-Talong St., Barangay Tumana sa lungsod.

Dakong 7:30 ng gabi, June 7, nasakote sa buybust ang 2 sa anim na tulak sa Blk-24, Talong Street.

Nahuli naman sa akto ng grupo ni Major Fernildo de Castro, hepe ng SDEU, ang apat na nagsasagawa ng “pot session” ng shabu.

Nasamsam sa mga ito ang 7 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P47, 600.00 at drug paraphernalias. (Edwin Moreno)

The post 6 TULAK SA MARIKINA TIMBOG! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
6 TULAK SA MARIKINA TIMBOG! 6 TULAK SA MARIKINA TIMBOG! Reviewed by misfitgympal on Hunyo 08, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.