Facebook

Babaeng maingay sa social media patay sa ambush

Batangas City – Dead on the spot ang isang babaeng maingay sa social media nang pagbabarilin Lunes ng hapon sa Barangay Haligue Kanluran dito sa lungsod.

Kinilala ang biktima na si Mary Ann Populi alyas Mheann, 32 anyos, empleyado ng kapitolyo ng Batangas, may asawa, residente ng Bgy. Haligue Kanluran.

Base sa inisyal na imbestigasyon na ipinadala ni LtCol. Gerry Laylo, hepe ng Batangas City Police, sa Batangas Police Provincial Office (BPPO), angkas ng isang motorsiklo si Pupuli na minamaneho ng kanyang live-in partner pauwi ng kanilang tahanan nang sundan ng isang lalaking nakamotorsiklo na nakasuot ng black jacket, black bonnet, helmet at maong pants, at pinaputokan sa ulo at katawan ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong pagkamatay.

Mabilis na tumakas ang salarin patungo sa hindi pa tukoy na direksyon.

Inaalam pa ng pulisya ang posibleng dahilan ng pagpaslang sa biktima na kilalang walang takot pumuna at mag-post sa social media ng mga katiwalian.(Koi Laura)

The post Babaeng maingay sa social media patay sa ambush appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Babaeng maingay sa social media patay sa ambush Babaeng maingay sa social media patay sa ambush Reviewed by misfitgympal on Hunyo 08, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.