Facebook

Lider ng drug group, SK chairman timbog sa buy bust sa Pasay

BUMAGSAK sa mga kamay ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Pasay City Police Station ang isang lider ng drug group na ‘Udtuhan’, SK Chairman at member ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) sa buy bust operation sa Pasay City Public Cemetery at 400 Sarhento Mariano St., Barangay 189, Pasay City.

Kinilala ang mga natimbog na sina Eleanor Odtuhan, 35 anyos, ng 400 Sarhento Mariano, at nasa Drug Watchlist at lider ng ‘Odtuhan Drug Group’; at Archie Gabriel, 23, SK Chairman at member ng BADAC, residente rin ng naturang lugar.

Ayon kay Pasay City Police Station SDEU Sr. MSgt Jonathan Bayot, nagsagawa sila ng buy bust operation kasama ang mga elemento ng Station Intelligence Unit sa pangunguna ni Major Jerry Sunga na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga subject.

Nakuha sa dalawa ang 6 plastic transparent sachets ng shabu at P500 buy bust money. (Gaynor Bonilla)

The post Lider ng drug group, SK chairman timbog sa buy bust sa Pasay appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Lider ng drug group, SK chairman timbog sa buy bust sa Pasay Lider ng drug group, SK chairman timbog sa buy bust sa Pasay Reviewed by misfitgympal on Hunyo 08, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.