NAARESTO na ang pumatay sa babaeng executive ng media network Brigada Group of Companies at idineklara na ng pulisya sa lungsod ng General Suntos “case solved” na ang kaso.
Sa anunsyo ni Colonel Gilberto Tuzon, hepe ng GenSan PNP, kinilala ang salarin na si Ralph Gerald Antoy-Sorabia alias Rap-Rap, 27 anyos, administrative officer ng subsidiary company na Global Dynamic Star Security Agency.
Sinabi ni Tuzon na si Sorabia ang motorcycle back-rider na malapitang bumaril sa 39-anyos na biktimang si Yentez Quintoy, 12:15 ng hapon nitong Hunyo 4 habang nagmamaneho at binabagtas ang NLSA Road at Guinto Street sa Purok Masunurin, Barangay San Isidro.
Isang saksi ang positibong kumilala sa salarin.
Nauna nang sumuko si Sorabia sa pulisya para linisin ang kanyang pangalan, pero kalaunan ay nadiskubre siyang primary suspect sa krimen.
Ayon kay Captain Abdulsalam Mamalinta, hepe ng police station, positibo siyang kinilala ng isang saksi na sobrang lapit lang nang mangyari ang krimen.
Ayon pa kay Mamalinta, tinitingnan nila ang anggulong paghihiganti sa nagawang krimen.
Base sa imbestigasyon, nagkaroon ng hinanakit si Sorabia sa biktima.
Napag-alaman na dating tumutuloy si Sorabia sa boarding house na pagmamay-ari ni Quintoy, kungsaan nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang sa madamay at mabitbit na ito sa trabaho.
Tatanggalin pa lamang umano sa trabaho si Sorabia, at si Quintoy ang nagsikap na mapatanggal ito sa trabaho.
“This was also based on the recovered digital evidence from the victim’s phone,” sabi ni Mamalinta.
Sa ngayon, hinihintay ng pulisya ang resulta ng paraffin test.
Pero dahil nasa kostudiya na nila ang suspek, at positibong itinuro ito ng saksi, maikokonsiderang ‘cased solved’ na ang krimen.
Nauna nang nag-alok ang Briagada ng P1 milyong pabuya sa makapagbigay-impormasyon sa krimen.
The post ‘Killer’ ng Brigada executive arestado; “case solved” appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: