Facebook

Garapata nanganak sa tainga ng bata

BABALA sa mga may alagang aso, tiyakin na walang kuto o garapata ang fur babies na katabi sa pagtulog dahil baka mangyari sa inyo ang nangyari sa batang si Arndrei na pinasukan ng mga karapata sa tenga.

Sa ulat, dumaing ang 11-anyos na si Arndrei nang may masakit at gumagapang sa kaniyang tainga.

Nang ilawan ng kanyang ina ang butas ng tainga ng anak, nakita ang garapata sa loob.
May alagang aso si Arndrei at parang kapatid na ang turing niya rito na kasabay niya sa pagkain at katabi rin sa pagtulog.

Sa una, tinangka ng ina na sundutin ang garapata gamit ang cotton buds na may baby oil pero lalong sumiksik sa butas ang insekto.

Kaya dinala na sa ospital si Arndrei at doon dinukot ang malaking garapata na inabot ng isang oras bago naalis.

Pero ang akala nilang maayos na ang lahat, nalaman nilang nanganak pa ang garapata sa loob ng tainga ni Arndrei.

The post Garapata nanganak sa tainga ng bata appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Garapata nanganak sa tainga ng bata Garapata nanganak sa tainga ng bata Reviewed by misfitgympal on Hunyo 01, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.