Facebook

‘Bigas sa Bakuna’ raffle promo sa Munti

ISANG gimik ang sinimulan sa Barangay Sucat, Muntinlupa City para maengganyo ang mga residente rito na magpabakuna kontra coronavirus disease (Covid-19).

Ang programa ay tinawag na ‘Bigas sa Bakuna’ raffle promo para sa mga residenteng magpapabakuna sa Sucat covered court.

Isasagawa ito kada Linggo kung saan bubunot ng 20 mananalo ng tig-25 kilo ng bigas. Kapag nabakunahan na ang isang indibidwal ay bibigyan siya ng raffle ticket.

Pero tanging residenteng naka-schedule at nakatanggap ng text message ang maaaring bakunahan sa partikular na araw.

Sa ngayon, nasa 41,443 ang bilang ng mga naturukan ng first dose sa Muntinlupa, habang mahigit 15,000 mula rito ang nakatanggap na ng second dose.

The post ‘Bigas sa Bakuna’ raffle promo sa Munti appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Bigas sa Bakuna’ raffle promo sa Munti ‘Bigas sa Bakuna’ raffle promo sa Munti Reviewed by misfitgympal on Hunyo 01, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.