Facebook

Sanggol na babael nalibing ng buhay

ISANG taon gulang na batang babae ang nalibing ng buhay ng gumuhong lupa sa kanilang bahay sa Barangay Panoraon, Maco, Davao de Oro, Linggo ng gabi.

Kinumpirma ni Joseph Randy Loy, Provincial Disaster Risk Reduction and Management officer sa Davao de Oro, ang nasawi sa landslide na isang taon gulang na si Alhanzer Arnado Pay-ao.

Hindi na nasagip ang bata ng kanyang magulang at kasama sa bahay dahil sa bilis ng pagguho ng lupa.

Ilang bahay din ang apektado ng landslide sa nasabing lugar.

Iniulat din ng PDRRMC na mayroong minor landslide sa Barangay Tagugpo sa bayan ng Pantukan.

Patuloy pa ang clearing operations sa landslide sa national highway ng Kilometer 69, Barangay Tuboran, sa bayan ng Mawab.

Simula Linggo ng hapon hanggang Lunes ay nakaranas na ng mga pag-ulan ang Davao de Oro dahil sa bagyong Dante.

The post Sanggol na babael nalibing ng buhay appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Sanggol na babael nalibing ng buhay Sanggol na babael nalibing ng buhay Reviewed by misfitgympal on Hunyo 01, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.