![](https://www.policefilestonite.net/wp-content/uploads/2021/06/droga.jpg)
ARESTADO ang tatlong drug suspects kabilang ang dalawang babae nang makunan ng higit P1 milyong halaga ng shabu sa isang buy-bust operation sa Parañaque City.
Kinilala ang mga dinakip na sina Mary Ann Villa “alias Jane”, 31, ng 75 Peras St., General Malvar Exit, Bagong Barrio, Caloocan City; Christina Bungay, 33, ng Karimas Village, Barangay Panghulo, Malabon City, kapwa dalaga; at Sohaily Batao, 30, ng Bgy. 188, Tala, Caloocan City.
Ayon sa report, 2:50 ng hapon nang madakip ang tatlo sa harapan ng Mang Inasal, Roxas Boulevard, Brgy. Baclaran, Parañaque City.
Na-recover mula sa mga suspek ang nasa 200 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,360,000.00, drug paraphernalia at boodle money.
Sinampahan na ng kasong paglabag sa RA 9165 ang nabanggit na mga suspek.(Gaynor Bonilla)
The post 3 tulak na bebot nakuhanan ng P1.3m shabu appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: