Facebook

GAWAD PAGKILALA SA KABAYANIHAN NI FORMER ATHLETE AT OFW PADIZ

LIKAS sa kalooban ng dating miyembro ng national gymnastics team na si Robin Padiz a.k.a. Gen Bernardo ang pagtulong sa kapwa nang walang hangad na kapalit kahit noong andito pa siya sa ‘Pinas.

Si Padiz ay kasalukuyang nasa Riyadh K.S.A. bilang OFW mula pa noong tumigil na siya bilang atleta at coach ng bansa.

Isa siyang sports mentor ngayon sa malaking unibersidad sa Riyadh kung saan ang kanyang mga disipulo ay anak ng expats doon bukod dito ay event organizer din siya sa sa naturang oil nation sa Middle East.

Nang pumutok ang pandemya, maraming OFW’s ang lubhang naapektuhan .Sa kabutihang palad ay tuloy ang trabaho nito kaya sa kanyang pasasalamat sa Lumikha sa biyaya ay tumulong siya sa mga kababayang nadamay sa kanilang nagsarang kumpanya at nagipit ng covid.

Higit isang taon nang pandemya ay patuloy pa rin ang bayanihan spirit ng mga Pinoy sa Riyadh sa pangunguna ni Padiz at ka- bikers niyang Harley riders at ang mga magigiting niyang kasamahan sa GRAB We Care United.

Sa kooperasyon ng Embahada ng Pilipinas ay naisakatuparan nila Padiz ang pag-ayuda sa mga apektadong Pilipino karamihan ay mga Pinay OFW’s na ang iba ay nakauwi na sa Pilipinas.

Hindi man hangad ni Padiz, kinilala ng pamahalaan ang kabayanihan nito at kapwa matulunging kababayan sa Saudi. Ginawaran si Padiz et al ng HEROES AWARD kamakailan sa idinaos na OFW Congress sa Riyadh na lalong nagpataas sa kanyang adrenaline sa pagtulong na isang maka-DIYOS na adhikain.RobinGen, you are a GEM..MABUHAY KA!

Lowcut:Maraming salamat sa mga pinagpipitagang hurado sa patimpalak kamakailan ng National Milo Media Writing Contest na may tema para sa mga Filipino Athletes Champion ‘ Mula Noon , Hanggang Ngayon. Ang inyong abang lingkod ang siyang tinanghal na kampeon sa naturang paligsahan ng mga writers sa LuzViMinda( Luzon , Visayas at Mindanao).

Salamuct din sa Strategic Edge.

Ang tagumpay na ito ay alaay ko sa ating masugid na sumusubaybay sa ating pitak at op kors dedicated ng inyong humble brother sa M-24 Builders of Guardians Canada- USA -Philippines.

Una kay Founder/Organizer (Bro) Doc Chito Collantes M24B1024, Sis Lingling Adora, Sis Geraldine Thelmo, Bros Armando Quirimista, Ala Eh Guardians diyan sa Canada, Sis Janice Ronquillo, Sis Lot Tollico, Bros Arvin David, Ariel Manas at Randy Meses, Supremo Kidlat Rivera, Bishop Rogelio Yadao, Supreme Elias Dematera, Bro Jeric Quirimista, Bro.Jesse Pavia,Bro. Richard Canete, Bro. Jeff PerezManuel,Bro Roel Paccarangan, Sis Rutchelle RoseBro Nick at Gino Deñosa,,Bro. Wilfred Pascua,Bro. Marwin de los Santos, Sis MaLuz at SisMjane ng Dr.Albert School- Dapitan, Bro. Raul Garcia at Bro Junnar, Sis Renalyn Tayao sa ‘Pinas, kina Sis Margielyn Ubibi Mabuti at Sis Alicia Santiago sa USA. Welcome sa ating bagong kapatid sa M-24 na si Sis Nilda Beth Flores ng Bulacan.Kudos to Sis Marilou Villanueva at MUG NC II APQ.Isang patunay ng solidong kapatiran sa liderato ni M-24 founder Doc Chito ay ang taos na pakikiramay sa ating Bro Jeff sa pagpanaw ng kanyang mahal sa buhay.Lahat ay bukas-palad sa pagtulong sa isang namimighating kapamilya.Yan ang M-24.

The post GAWAD PAGKILALA SA KABAYANIHAN NI FORMER ATHLETE AT OFW PADIZ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
GAWAD PAGKILALA SA KABAYANIHAN NI FORMER ATHLETE AT OFW PADIZ GAWAD PAGKILALA SA KABAYANIHAN NI FORMER ATHLETE AT OFW PADIZ Reviewed by misfitgympal on Hunyo 01, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.