Facebook

Janice hinahanap ng katawan ang trabaho kahit pandemic; Willie inuudyukang pumasok na sa pulitika

Ni MELCHOR M. BAUTISTA

MADISKARTE sa buhay si Pokwang kaya naman kahit nararanasan niya sa kanyang career ang pansamantalang mabakante ay hindi niya iyon ipinagmumukmok.

Bagkus ay umiisip siya ng ibang paraan na puwedeng pagkakitaan. Doon na nga pumasok at nagagamit niya ang kanyang galing sa pagluluto. Sa ngayon ay alam na sa buong showbiz ang galing niya.

Pinag-uusapan na ngayon ang the best na timpla at ng hataw na sarap ng litsong manok ni Pokwang. Pinanindigan talaga niya ang sinabi niya noon na kapag nagnegosyo na siya tungkol sa pagluluto ay hindi mawawa sa menu ang mga putahe ng manok, dahil marami ang nasasarapan, dati pa.

Bago nag-artista si Pokwang ay mahilig na siyang magluto. “Yung simula ay natutunan ko sa nanay at tatay ko. Pero wala naman akong datung noon pambili ng mga ganap na lulutuin. Aral-aral magluto. Nung mag-artista na ako, pinaganda ko talaga ang kitchen ko at dun humataw na akong magluto at eksenang business na para kumita, ‘di ba? Bukod sa pag-aartista,” sey ng magaling na komedyana na ngayon ay pumirma na ng contract sa GMA-7.

***

BILANG isang mahusay at napakasipag na aktres sa paggawa ng mga pelikula at paglabas sa mga teleserye ay nalungkot si Janice de Belen sa naging kinasapitan ngayon ng movie industry magmula nang magkaroon ng pandemya.

“Bago nangyari ang ganitong sitwasyon, ilan yung ginawa ko. Kaya kahit medyo nakapagpahinga ay nakakapanibago rin. Kasi parang hinahanap ng katawan mo ‘yung magtrabaho ka gaya ng dati,” wika ni Janice.

Kasabay ng kanyang pagiging artista ay sobrang tinutukan ni Janice ang pagmamahal at pag-aalaga sa kanyang pamilya bilang single mother. Pero sa kabila nito ay hindi pa rin itinuturing ng mahusay na aktres na siya ay perpektong magulang sa pagpapalaki sa kanyang mga anak. Pero sa paningin ng marami ay winner siya bilang dakilang mommy.

Kahit ang kanyang ex-husband na si John Estrada ay nagpahayag ng katuwaan, at ito ay dahil nakakarinig siya ng mga papuri na ang mga anak nila ni Janice ay lumaking malulusog at magagalang.

Hindi lang ‘yon. Si Luigi Muhlach na panganay na anak ni Janice (kay Aga Muhlach) ay gumagawa na ngayon ng pangalan bilang magaling na Chef.  Nakakataba ng puso ang mga pangyayaring ito para kay Janice, di ba naman?

***

DAHIL napakalakas ng hatak ni Willie Revillame sa masa kaya naman sa tuwing nalalapit na ang eleksiyon ay maraming grupo ng mga pulitiko ang humihimok sa host ng “Wowowin!” ng GMA-7 para pumalaot na rin siya sa larangan ng pulitika.

Tiyak talaga ang magiging panalo ni Willie kung sakali’t magdesisyon na siya tumakbo sa anumang posisyon sa pulitika. Hindi matatawaran ang kanyang naging kasikatan dahil mga programa sa telebisyon na laging patok, mula ABS-CBN, TV-5 at GMA-7. Sinubaybayan siya ng kanyang mga tagahanga, bata man o matatanda.

Sa personal na buhay naman ay hindi naman na talaga makuwento pagdating sa kanyang lovelife. Napakayaman ng komedyanteng gameshow host kaya naman sobrang lapitin siya ng mga kababaihan. Siyempre’y nasa kanya na ang pagpili kung sino sa kanila, saan at kung sino sa mga nakikilalang babae ang pag-uukulan niya ng panahon. Si Willie pa!

The post Janice hinahanap ng katawan ang trabaho kahit pandemic; Willie inuudyukang pumasok na sa pulitika appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Janice hinahanap ng katawan ang trabaho kahit pandemic; Willie inuudyukang pumasok na sa pulitika Janice hinahanap ng katawan ang trabaho kahit pandemic; Willie inuudyukang pumasok na sa pulitika Reviewed by misfitgympal on Hunyo 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.