Facebook

Catriona mas feel gumanap sa life story si Jayda kaysa Maymay

Ni JOVI LLOZA

KUNG dati nga raw ay si Maymay Entrata ang napipisil ng beauty queen-TV host na si Catriona Gray ang gumanap sa true to life story nito.

Kaso bigla ngang nabago ang ihip ng hangin at tila nakita nito na fit na gumanap sa true to life story ng 2018 Miss Universe ay ang anak ng celebrity couple na sina Jessa Zaragosa at Dingdong Avanzado na si Jayda Avanzado.

Nakasama naman dati ni Catriona  si Jayda sa Sunday Noontime Live.

Nakitaan ng husay ni Catriona si Jayda nang magsama sila sa isang show.

At nakita rin ng gf ni Sam Milby na fit nga raw si Jayda na gumanap bilang si Catriona.

Kaya naman sa pagpapalabas ng true to life story ni Catriona ay si Jayda ang napipisil nito para sa MMK.

Kahit nga bagito pa lang si Jayda ay lumikha naman ito ng ingay sa showbiz world.

At di naman nakapagtataka kung mamana ni Jayda ang pag-aartista sa kanyang mga magulang na sina Jessa at Dingdong.

Kaya huhusgahan na si Jayda kung ma-iportray nito ang true to life story ni Cat sa long running drama na MMK.

Suportado naman ng kanyang mga magulang ang pagso-showbiz ni Jayda na sasalang na sa aktingan.

***

Gladys Reyes may kakaibang gimik sa pagwo-work out

SA panahon ngayon ay dinoble ni Gladys Reyes ang kanyang pagwo-work out para maging healthy.

Daily routine naman ni Gladys eh itong pagwo-work out na gamit ang hula hoop.

Kasabay niya ang kanyang 67-year-old mommy sa kanyang pagwo-work out.

Kinabog pa nga si Gladys ng kanyang mudra sa paghu-hula hoop.

Pansin naman na mas mahusay pa itong gumiling kaysa sa anak na si Gladys.

Keber naman kung di ito masyado marunong sumayaw ang mahalaga sa kanya ay makapag-exercise daily with mom.

Pero napansin naman ng netizens ang kakaibang gimik ng pagwo-work out na ginagawa ni Gladys.

Balak din nga na subukan ng netizens ang estilo ng pagwo-work out ni Gladys na naghu-hula hoop habang nagbi-videoke.

Bonggacious! Well, well, well…’Yun na!

The post Catriona mas feel gumanap sa life story si Jayda kaysa Maymay appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Catriona mas feel gumanap sa life story si Jayda kaysa Maymay Catriona mas feel gumanap sa life story si Jayda kaysa Maymay Reviewed by misfitgympal on Hunyo 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.