Facebook

Bianca may tiwala sa dyowang si Ruru kahit matagal na ‘di nagkakasama

Ni WALLY PERALTA

ISANG mapangahas na role ang ginawa ngayon ng young aktres na si Bianca Umali, na isa siya sa mga “Legal Wives” ni Dennis Trillo, kasama rin sina Alice Dixson at Andrea Torres.

Medyo matured na ang role ngayon ni Bianca at may mga eksenang daring ang character ni Bianca bilang asawa  ni Dennis.

Medyo malayo ang agwat nila ng edad ni Dennis at nakeri naman ni Bianca na gampanan ang kanyang karakter na makatotohanan. Kung sa realidad keri din kaya ni Bianca na magkaroon ng isang karelasyon na hamak na mas matanda kaysa sa kanya?

“Sa perspective ko ng buhay, as long as nagmamahalan kayo and mas nagma-matter ‘yung compatibility. Kung nagkakaintindihan kayo, masaya kayong magkasama, kung ano ‘yung nararamdaman niyo para sa isa’t isa ‘yun ang mahalaga,” say ni Bianca.

At pagdating naman sa lovelife ano kaya ang say ni Bianca na buwan halos ang binibilang bago sila magkapiling ng boypren na si Ruru Madrid. Hindi kaya naiinsekyur si Bianca na hindi ‘nababantayan’ ang kanyang mahal?

“Malaking bagay sa ganyang sitwasyon ang tiwala sa isa’t isa, ‘yung trust and respect. Respetuhin n’yo din ‘yung individuality n’yo. Dapat mag-grow din kayo, apart. That doesn’t mean na hindi n’yo gusto kasama ang isa’t isa,” ani Bianca.

***

PAMELA ORTIZ NAKAKONTRATA NA SA VIVA

PARA sa dating sexy star na si Pamela Ortiz ay itinuturing niyang isang malaking himala ang pagkakaroon niya ng kontrata, na aminado ang sexy actress na never siyang nagkaroon habang nasa kainitan ng kanyang career noong late 90’s. Halos hindi raw siya makapaniwala na ang isang malaking movie production outfit ay pagkatiwalaan siya at bigyan ng kontrata. “God is so good!” ang paunang say ni Pamela.

“Kasi sobrang biglaan talaga. Tinawagan ako ni Tita Aster Amoyo, nagkita agad kami, then diretso ng Viva  Entertainment. Really God make the works,” say pa rin ni Pamela.

Tsikang pati ang mga kapanabayan niyang mga sexy stars tulad nina Katrina Paula, Sabrina M, Natasha Ledesma at iba pa ay tila ‘nainggit’ sa magandang blessings na dumating sa kanyang ‘natulog’ na showbiz career for almost 16 years na?

“Hindi naman, sa totoo lang nang malaman nilang pumirma ako ng kontrata sa Viva ay pinadalhan agad nila ako ng mga congratulatory remarks. Suportado namin ang isa’t isa kahit noon pa man hanggang sa ngayon,” ani Pamela.

Ano naman kayang project at role ang nakatakda niyang gawin  under Viva?

“It’s okay lang any role. Gagawin ko lahat para makilala sa galing sa pag arte.   At pagdating naman sa hubaran, gradweyt na tayo diyan, hayaan na lang natin yan sa mga mas bata sa atin. And one thing more, may mga anak akong babae at lumalaki na rin sila. Gusto kong manatili ang paggalang sa pamilya ko,” pagtatapos na say pa ni Pamela.

The post Bianca may tiwala sa dyowang si Ruru kahit matagal na ‘di nagkakasama appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bianca may tiwala sa dyowang si Ruru kahit matagal na ‘di nagkakasama Bianca may tiwala sa dyowang si Ruru kahit matagal na ‘di nagkakasama Reviewed by misfitgympal on Hunyo 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.