Facebook

Sa halip na kasuhan… Aiko binigyan pa ng pera ang truck driver na bumangga sa kotse

Ni GERRY OCAMPO

KUNG kinasuhan ni Aiko Melendez ang driver ng truck na bumangga sa kanyang bagong model na kotse ay siguradong kabilang na ito sa mga walang trabaho ngayon sa gitna ng pandemic.

Sa halip na magalit at magtaray ay awa ang nadama ni Aiko sa naturang drvier na nakatulog daw kaya nabangga ang kanyang  kotse.

Pinatawad  at  binigyan pa ng pera ni Aiko ang driver na bumangga nitong nakaraang dalawang linggo.

Ayon kay Aiko papunta sila ng kanyang anak na si Marthena sa Subic at  habang nagmamaneho sa kahabaan ng Quezon City  ay bigla na lang may bumangga  sa kanya na truck.

Bagong bili ang kotse ni Aiko na more than 5 million daw ang halaga.

Tila nakatulog daw ang truck driver  habang nagmamaneho kaya nabangga ang kanyang kotse. Wasak ang kaliwang bahagi ng kotse at  nasira rin ang gulong ng sasakyan.

Alam ni  Aiko  nagsusumikap lang ang truck driver para magkapera sa pamilya kaya hindi nagawang talakan ng actress.

Pagkatapos ayusin ng traffic aide ang aksidente ay binigyan pa ng pera ni Aiko ang truck driver para makakain. Mukha raw kasing hindi pa kumakain ang driver.

Sa awa nga ni Aiko sa driver ay kinausap pa nito ang may-ari ng truck para pakiusapan na huwag tanggalin sa trabaho ang nasabing truck driver.

Aabot din daw sa milyong piso ang pagpapagawa ng nabanggang kotse ni Aiko  at  tatagal pa ito ng tatlong buwan bago maayos.

Ipinagpasalamat ni Aiko na walang nangyaring hindi maganda sa kanila ng anak na si Marthena.

Sa mga hindi nakakaalam, isa lang yun sa mga magagandang ginagawa ni Aiko sa mga kababayan nating kapuspalad. Kaya naman hindi nakapagtataka na sangkatutak ang nanghihikayat sa kanya ngayon na bumalik sa public service.

Kung walang magiging aberya ay tila papasukin na nga ni Aiko ang politics para tumakbo sa kongreso, sa 5th district ng Quezon City.

Samantala, may binuksan na shopstore  website si Aiko na tinawag na Ping Me Up  na makabibili ng mga item sa murang halaga.

***

WALANG planong pasukin muli ni Richard Yap ang politics dahil sa sunud-sunod niyang project sa GMA 7.

Matatandaang  tumakbong congressman si Mr Yap sa 1st district ng Cebu City noong 2019. Dahil hindi siya pinalad kaya pahinga raw muna siya sa kanyang political ambition.

“To enter  politics  is to help people. Hindi lang sa Cebu, but  also  here  in  Manila. It  really  depends  on  what  will  happen  next. For  now, wala  pa muna  because marami  tayong ginagawa ngayon. Aside  sa  mga  project  natin  with GMA, may  mga negosyo  pa  tayo  na inaasikaso. But  who knows  baka  in  the future something may happen  with regards  to politics.”

Ilan sa mga aristang hinahangaan ni Richard na pumasok sa politics ay sina Vilma Santos-Recto  at  Richard Gomez. Pinatunayan daw kasi ng dalawa na mahusay silang leader  at  may magandang record  as public  servants.

Next month na magsisimula ang lock-in taping nila ni Heart Evangelista para sa seryeng I Left My Heart In Sorsogon.

Habang wala pang taping ay sinusulit ni Richard ang bawat panahon kasama ang pamilya at magkakasamang nag-celebrate ng Father`s Day.

The post Sa halip na kasuhan… Aiko binigyan pa ng pera ang truck driver na bumangga sa kotse appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Sa halip na kasuhan… Aiko binigyan pa ng pera ang truck driver na bumangga sa kotse Sa halip na kasuhan… Aiko binigyan pa ng pera ang truck driver na bumangga sa kotse Reviewed by misfitgympal on Hunyo 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.