Facebook

DOT todo deny pagbukas ng turismo sanhi ng pagtaas ng Covid cases sa mga probinsya

TAHASANG itinanggi ni Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat na ang pagbubukas ng turismo ang dahilan sa pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa mga probinsya.

Pahayag ni Sec. Puyat, local transmission ang dahilan kaya’t tumataas ang kaso ng COVID-19 sa mga lalawigan, at hindi dahil sa pagbubukas ng turismo.

Ayon pa sa kalihim, hindi naman kasi pinapayagan ang isang biyahero o turista na makapasok sa isang lugar ng walang negatibong resulta ng RT-PCR test.

Binigyang diin pa ni Sec. Puyat na mahigpit ding mino-monitor ng DOT ang mga tourism destinations sa bansa. (Josephine Patricio)

The post DOT todo deny pagbukas ng turismo sanhi ng pagtaas ng Covid cases sa mga probinsya appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
DOT todo deny pagbukas ng turismo sanhi ng pagtaas ng Covid cases sa mga probinsya DOT todo deny pagbukas ng turismo sanhi ng pagtaas ng Covid cases sa mga probinsya Reviewed by misfitgympal on Hunyo 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.