Facebook

Pagkakalbo sanhi ng COVID-19 wala pang sapat na ebidensiya – DOH

WALA pa umanong sapat na ebidensya o pag-aaral na nagdudulot ng pagkalagas ng buhok ang COVID-19.

Ayon ito kay Health Usec Maria Rosario Vergeire at inihayag na maraming factors ang pwedeng dahilan ng pagkalugas ng buhok.

Aniya, ang paglagas ng buhok o hair loss ay maaring may kaugnayan sa stress o maaring ibang sakit.

Paalala ni Vergeire, sa sitwasyon ngayon ay kailangan maging matatag at alagaan ang sarili hindi lang pisikal kundi pati ang mental health.

Sinabi pa ni Vergeire na wala pang naitatalang ganitong kaso dahil dulot ng COVID-19.

“Wala pa tayong naitatala na mga ganitong kaso dito sa ating bansa na naging epekto apparantly by COVID,” anang opisyal. (Jocelyn Domenden)

The post Pagkakalbo sanhi ng COVID-19 wala pang sapat na ebidensiya – DOH appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pagkakalbo sanhi ng COVID-19 wala pang sapat na ebidensiya – DOH Pagkakalbo sanhi ng COVID-19 wala pang sapat na ebidensiya – DOH Reviewed by misfitgympal on Hunyo 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.