Facebook

Covid update: 5,803 bagong kaso; 84 nasawi; 7,652 gumaling

UMABOT lamang sa 5,803 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala ng Department of Health nitong Linggo, Hunyo 20.

Nakapagtala naman ng 7,652 na gumaling at 84 na pumanaw.

Sa kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa, umakyat na sa 1,359,015 batay sa pinakahuling case bulletin ng DOH.

Mula sa nasabing kabuuang bilang ng mga kaso, nasa 1,277,715 ang kabuuang gumaling na sa sakit at 23,621 naman ang namatay.

Nasa 57,679 naman ang aktibong mga kaso na patuloy na ginagamot sa iba’t ibang pasilidad at ospital sa bansa.

Samantala, dalawang laboratoryo lamang ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa CDRS.

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng dalawang laboratoryo na ito ay humigit kumulang 0.14% sa lahat ng samples na naitest at 0.13% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)

The post Covid update: 5,803 bagong kaso; 84 nasawi; 7,652 gumaling appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Covid update: 5,803 bagong kaso; 84 nasawi; 7,652 gumaling Covid update: 5,803 bagong kaso; 84 nasawi; 7,652 gumaling Reviewed by misfitgympal on Hunyo 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.