Facebook

Supply agreement para sa 40-M doses ng Pfizer vaccines pirmado na – Sec. Galvez

INIHAYAG ni National Task Force against COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) chief implementer at vaccine czar na si Secretary Carlito Galvez Jr., na kanila nang pinirmahan ang “supply agreement” sa Pfizer-BioNTech.

Ito ay para sa “procurement” ng 40 million doses ng COVID-19 vaccines mula sa American firm.

“We are very happy to report that the government and the management of Pfizer have finally concluded our negotiations. Secretary Duque and I signed yesterday the supply agreement for the biggest and most decisive deal we had for 2021,” ani Galvez sa isang pahayag.

Nagpasalamat naman si Galvez sa kaniyang mga kasamahan mula sa Philippine vaccine negotiating team ng Department of Finance at sa kanilang multilateral partner na nagtrabaho para matiyak ang nasabing COVID-19 shots.

Tinataya kasi na 20 milyong Pilipino ang magbebenepisyo rito.
Ang Pfizer vaccines aniya ay bultohang idi-deliver matapos ang walong linggo simula sa Agosto ng kasalukuyang taon.

Binigyang-diin din ni Galvez na ang Pfizer vaccine doses ay binayaran sa pamamagitan ng multilateral arrangement sa Asian Development Bank.

Sa ngayon mayroon ng 113 million doses ang na-secure ng gobyerno mula sa limang manufacturers.

Sa nabanggit na bilang, 26 million dito ay mula sa Sinovac, 10 million mula Gamaleya Institute, 20 million doses mula sa Moderna, 17 million doses mula sa AstraZeneca, at 40 million doses mula sa Pfizer.

The post Supply agreement para sa 40-M doses ng Pfizer vaccines pirmado na – Sec. Galvez appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Supply agreement para sa 40-M doses ng Pfizer vaccines pirmado na – Sec. Galvez Supply agreement para sa 40-M doses ng Pfizer vaccines pirmado na – Sec. Galvez Reviewed by misfitgympal on Hunyo 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.