UNANG inilatag ang crimes against humanity bilang akusasyon sa mga nasakdal sa unang Nuremberg Trials noong 1945 kung saan nilitis ng isang hukuman na binuo ng nanalong puwersa ng Allied ang mga pangunahing lider ng Nazi Germany. Ito ang akusasyon sa mga lider ng Nazi Germany na pumatay ng anim na milyon na Hudyo noong Pangalawang Digmaang Pandaigdig. Marami ang binitay dahil sa krimen na ito.
Hindi pangkaraniwan ng mga panahon na iyon ang crimes against humanity. Naisip ng mga pangunahing manananggol sa international law na litisin ang mga lider ng Nazi Germany dahil sa kanilang mga krimen sa mga sibilyan, partikular ang mga Hudyo sa Europa na sistematikong pinuksa sa utos ni Adolf Hitler.
Sa mga sumunod na panahon, sinakop ng konsepto ng crimes against humanity ang mga taong pinapatay, binibigyan sa matinding torture (bugbog), ginagawang alipin, ipinapatapon sa ibang lugar (deportation), at isinasailalim ng hindi makataong trato. Hindi ito katulad ng ibang war crimes (krimen sa giyera), maaaring gawin ang crimes against humanity kahit sa panahon ng katahimikan at madalas na sibilyan ang biktima.
Ginamit ito sa pag-usig at paglitis ng International Criminal Tribunal for Yugoslavia (ICTY) ni Slobodan Milosevic, ang lider ng Serbia na pumuksa at nagtaboy sa populasyon Albaniko sa Kosova, isang bahagi ng nabuwag na Yugoslavia. Nilitis si Milosevic mula 2002 at natapos ito ng namatay siya sa sakit (atake sa puso) sa kulungan noong 2006.
Dahil sa mga karanasan sa Nazi Germany at Yugoslavia, binuo ng maraming bansa ang Rome Statute, ang tratado na isinilang noong 2002 sa International Criminal Court (ICC), ang pandaigdigang hukuman na lumilitis sa mga lider ng bansa na isinakdal ng crimes against humanity. Kasapi ang Filipinas sa Rome Statute, ngunit binawi ito ni Rodrigo Duterte noong ika-19 ng Marso, 2019 na akusahan siya nina Sonny Trillanes at Gary Alejano ng crimes against humanity noon 2017 dahil sa madugo ngunit nabigong digmaan kontra droga.
***
MARAMING netizen ang nagtanong sa amin kung ano ang maaasahan sa ICC at kung talagang uusigin si Duterte at mga kasapakat sa kanilang malawakang pagpatay umano sa pagitan ng 16,000 hanggang 30,000 katao mula 2016 hanggang 2019. Hindi naming tuwirang masagot ang tanong dahil may sariling dynamics ang paglilitis sa ilalim ng ganitong krimen.
Maraming kagulat-gulat at hindi inaasahan ang maaaring mangyari. Noong 1946, ginulat ang mga akusado sa unang Nuremberg Trials nang iharap sa kanila ang mga film clips at larawan ng mga Hudyo na pinuksa sa iba’t ibang concentration camp ng Nazi Germany sa mga nasakop na bansa sa Europa tulad ng Poland at Czechoslovakia. Marami sa mga nilitis na lider Nazi ang hindi makapanila, humagulgol ng iyak, at nasuka ng malaman nila ang mga hindi makataong pagpatay at torture sa mga Hudyo.
Matindi ang nangyari kay Milosevic sa ICTY. Sa buong panahon na sumailalim siya ng paglilitis, nagsulputan ang maraming saksi na karamihan ay sibilyan at pawang naglahad ng karanasan sa “ethnic cleansing” ng puwersa ng Serbia. Kahit si Milosevic ay nagulat sa mga testimonya at lalim ng kanilang hinaharap na ebidensya kontra Milosevic at puwersa ng Serbia.
Hindi makabago ang teknolohiya sa panahon ng Pangalawang Digmaang Pandaigdig. Hindi maihahambing sa kasalukuyang teknolohiya ang lagay ng teknolohiya noong mabuwag ang Yugoslavia noong mga 1990. Ngunit nagsulputan ang mga ebidensiya na nagdiin sa mga lider Nazi, at Milosevic at mga kasama ng crimes against humanity. Lingid sa kaalaman, tuloy tuloy ang dokumentasyon ng kanilang krimen. Iniharap ang mga iyon sa takdang panahon at forum.
Iyan ng nakikita namin sa mga susunod na panahon. Palihim na kinalap at ng binuo ng mga pamilya ng mga biktima ng EJK, Commission on Human Rights (hindi ito hawak ni Rodrigo Duterte), civil society at komunidad ng mga NGO, at iba pang organisasyon na may komitment sa karapatang pantao, lokal o pandaigdigan, ang mga dokumentasyon at ebidensya upang idiin si Duterte at mga kasapakat sa crimes against humanity.
Hindi natin alam ang lawak at lalim ng kanilang hinaharap na katibayan, ngunit masasabi natin na hindi sila natulog sa karurukan ng kapangyarihan ni Duterte at kasagsagan ng mga patayan – o sa kadiliman ng gabi. Mas makabago at makapangyarihan ang kasalukuyang teknolohiya at hindi mahirap sabihin na ginamit nila ito upang patingkarin ang mga ebidensya.
Isa itong bagay na hindi naisip ni Duterte at mga kasama. Masyadong makaluma ang kanilang pag-iisip at kulang sa lalim upang maintindihan kung ano ang kanilang haharapin sa kanilang maugo pero bigong digmaan kontra droga. Mahirap itago ang katotohanan sa panahon na ito. May social media na sa ilang segundo lamang, malalaman ng mundo kung ano ang mga krimen at abuso sa poder ng isang lider.
***
MARAPAT maunawaan ng mga kandidato sa halalang panguluhan sa 2022 na ang martsa ng kasaysayan ay tungo sa pagpapatatag ng ating sistemang demokrasya, pagpapalawak ng halagain ng karapatang pantao (human rights), pangangalaga sa mga bata (children’s welfare), at pagbabago sa klima (climate change). Diyan gumagalaw ang kasaysayan at sinuman lider ng daigdig na lumabag diyan asy nanganganib na itakwil at iwanan ng international community.
Alam ni Rodrigo Duterte ang mga halagin na iyan. Alam niya sapagkat isinuka siya sa world community. Hindi siya iginagalang; pinagtatawanan siya; at iniiwasan tulad ng mga may sakit na ketong. Itong ang halagain ngayon ng mundo at dapat maintindihan ito ng mga kandidato sa susunod na halalan. Walang duda at pasubali.
***
QUOTE UNQUOTE: “Sasabihin ko ulit – sa isang katutak na bakunang “binili” ng Duterte govt, ang Sinovac at Gamaleya pa lamang ang dumating. Sa mga binili ng LGUs o private companies, WALA. Dahil inipit ng Du30 govt mga binili ng LGUs at kumpanya.” – Raissa Robles, mamamahayag, netizen
“ALTHOUGH [she was] ousted by unconstitutional means, [Chief Justice Ma. Lourdes Sereno] leaves an unchallenged legacy: she didn’t steal and she didn’t sell decisions.” – PL, netizen
“The Philippines is that Asian country where murder is incited by the President, conducted by the cops, and ignored by the people. On Sunday, they all go to [M]ass.” – Joe America, netizen
“Fear, intimidation, and violence are celebrated by many Filipinos as acceptable forms of discipline when these are not. Fear, intimidation, and violence breed very easily frightened people. Generally, frightened people are hardly able to think and reason.” – Oscar Plameras, netizen
The post ‘Crimes against humanity’ appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: