NANATILI sa puwesto si Colonel Joseph Arguelles bilang direktor ng Philippine National Police (PNP) sa lalawigan ng Rizal dahil hindi na siya tinanggal ni Brigadier General Eliseo DC Cruz.
Marahil, mayroong nagsabi kay Cruz na matikas at maaasahan si Arguelles.
Iba ang balita sa National Capital Region (NCR) dahil naman umano matikas at maaasahan si Colonel Arguelles.
Ang argumento ng mga kritiko ni Arguelles ay hindi ito naging masipag laban sa mga iligalidad.
Katunayan, napasok na rin ng gambling lord na alyas “Renel” ang Rizal.
Namamayagpag ang jueteng ni alyas Renel sa Rizal, makaraang maagaw niya ito mula kay “JY”.
Pokaragat na ‘yan!
Napakatindi ng problema sa coronavirus disease – 2019 (COVID – 19), pero mayroon pang nang-agaw ng teritoryo ng jueteng.
Pokaragat na ‘yan!
Ganoon din ang operasyon ni alyas Renel tulad sa ibang jueteng lord, tatlong beses kada araw ang bolahan.
Hindi pa man literal na napapatigil ni Arguelles ang tupada, o iligal na sabong ng mga manok, sa maraming bahagi ng Rizal alinsunod sa direktiba ni PNP Chief Guillermo Lorenzo Eleazar, tapos namamayagpag nang todo ang jueteng operaton ni alyas Renel.
Pokaragat na ‘yan.
Hindi kaya, nagsasabong din si Colonel Arguelles?
Natanong ko lang dahil sabi ng ilang kakilala ko sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon), maraming pulis sa Rizal at iba pang lalawigan sa Calabarzon ang napakahilig sa sabong.
Pokaragat na ‘yan!
Kung hindi kabilang si Arguelles sa mga sabungerong opisyal ng PNP, e di magaling dahil hindi siya magdadalawang – isip na dalasan ang operasyon laban sa mga tupada upang mapatunayang totoog kumikilos ang mga opisyal ng PNP kaugnay sa direktiba ni General Eleazar.
Maliban sa paglaban at pagsugpo sa iba’t ibang klase ng iligal na sugal, kabilang ang jueteng at tupada, paghusayan din ng liderato ni Col. Arguelles ang pagsugpo sa iba’t ibang uri ng krimen, lalo na ang iligal na droga.
The post Col. Joseph Arguelles walang aksyon laban sa jueteng ni ‘Renel’ sa Rizal appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: